PROLOGUE

5 2 0
                                    

Unti-unti nang nababasag ang mga lalagyanan ng mga di mawaring nilalang. Nagbabasagan ito ng walang dahilan. Ano bang maaring maging sanhi ng mga ito? Lahat ng mga nilalang sa loob nito ay nag-iingay! Ingay sa tuwa! Ingay ng  Pagkawagi! Dahil sa muli, sila'y magiging malaya!


"Hahaha! ganyan nga! mga alagad ko! Magsaya kayo! Dahil maghihiganti tayo sa mga taong nagkulong sa atin sa matagal na panahon! Hahaha" sabi ng isang kulay itim na may pagkalilang usok.


Mas nag-ingay pa ang mga nilalang na ito sa loob, at mas napapabilis naman ang pagkabasag ng mga lalagyanan. Nagulantang naman ang buong eskwelahan, ang Paranormal University, sa naganap.


Malakas na tumunog ang Alert Alarm ng eskwelahan, nagkakandarapa naman sa pagmamadali ang mga tao rito. 


"Bilisan niyo! Sa Basement lahat ng mga troup 1 na groupo!ang iba naman! pakiusap! umalis na kayo sa building! Tawagin naman ng iba, lalo na ang Death Troup! Bilis!" utos ng nagsisilbing headmistress sa mga estudyanteng takot na takot na ngayon. Agad silang tumalima sa utos ng ginang, agad nilang tinawag ang mga nasasabing groupo ngunit huli na ang lahat. Ang mga nilalang ay nakatakas na.


"Hahahaha!!! Hanggang sa uulitin mga mortal! Sisiguraduhin kong.. Lahat kayo'y magbabayad sa nagawa niyo sa mga tulad namin noon! Pagbabayaran niyo ito! Wahahaha." sabi ng itim na may pagkalilang usok sa mga taong nasa labas lamang ng pinto ng basement.


Nanghihina at nawawalang pag-asang napaupo ang headmistress sa naganap.


"Katapusan na ba natin ito?" tanong niya sa kaniyang sarili.

________________

WishCommander

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paranormal University (Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon