"Our Story"

231 5 0
                                    


Tahimik lamang silang nakaupo't pinagmamasdan ang ganda ng tanawin mula sa kanilang harapan. Parehong dinadama ang lamig at sarap ng ihip ng hangin na dumadampi sa kanilang mga balat. Pinakikinggan ang paghampas ng tubig na nasa kanilang harapan. Kanina pa sila magkasama ngunit walang kahit isang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig, hanggang sa putulin na ng dalaga ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Jhake, what's the matter?"

Tumingin ang binata sa kanya, malungkot sya nitong nginitian tsaka ulit bumaling ng harap sa kanilang unahan.

"Julie, alam mo ba na importante sakin ang lugar na to? Bukod sa bahay na madalas natin ginagamit noon pag nagshoshoot para sa Pepito, isa tong lugar na to sa pinaka naging paborito ko. Dito kasi natin nailalabas yung tunay na tayo. At minsan nga nakakalimutan na natin na in character pa pala tayo bilang si Chito at si Nikki dahil nadadala na tayo ng sitwasyon at nagiging si Jhake at Julie na."

Liningon sya ng dalaga. Nakatitig lamang ito sa kanya habang patuloy syang nagsasalita. Matapos ang show na kanilang pinagsasamahan ay bihira na lamang sila magkita.

"Importante din sakin ang lugar na to. Kung saan ginawa ni Chito ang lahat para lang patunayan na mahal na mahal nya si Nikki. Dito rin naranasan ni Julie na haranahin sya ng lalaking mahal nya sa harap ng maraming tao. Dito rin nya naranasan kung saan mamasyal kasama ang lalaking mahal nya, si Jhake. Ang makihalubilo sa ibang tao, ang maging masaya ng walang ibang iniisip. Ang maging isang ordinaryong tao."

Patuloy nilang binabalikan ang mga ala-ala kung saan sila naging masaya sa lugar na yon.

Dinala nya si Julie dito dahil may gusto syang sabihin sa dalaga. Naka-plano na ang lahat para sa gabing yon. Ang kulang na lamang ay ang banggitin nya sa mismong harap ng dalaga ang nasa isipan nya. Alam nyang masasaktan nya ito, ngunit napagdesisyonan na nya, at itutuloy nya ang kanyang plano.

"Tara!"

Tumayo ang binata, nilahad nya ang kanyang kamay para alalayan tumayo ang dalaga. Agad naman inabot ng dalaga ang isang kamay, sabay silang naglakad ng magkasama.

"Uuwi na ba tayo?"

Umiling lamang ang binata. Saglit lamang silang naglakad. Tumigil sila sa isang lugar kung saan ay espesyal din sa kanilang dalawa.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Come on, let's ride. Mas enjoy at mas romantic kasi tayong dalawa lang yung nandito."

"Sira ka. Baka hindi na pwede."

"Nakausap ko na yung nagcocontrol nyan. Tayo nalang ang hinihintay."

Sumakay sila sa ferris wheel na malapit lamang sa lugar na pinanggalingan nila kanina. Mabagal lamang itong umiikot.

Walang ka-ide-ideya ang dalaga sa kung anong iniisip ng binata dahil kanina pa itong tahimik. At alam nya na sa pagkakataon na to, na may problema.

"Spill."

Tumingin sila sa mata ng isa't isa. Ang dating puno ng pagmamahal na mapapansin sa kanilang mga mata ay parang napalitan ng takot.

"Julie, let's end everything in here."

Napaiwas ng tingin ang dalaga sa  binata. Kasabay ng mga salitang kanyang binanggit, ay ang pagtigil sa pag-ikot ng kanilang sinasakyan. Nasa pinakang itaas sila. Napaka-ganda ng tanawin mula sa itaas, ngunit hindi nya maenjoy dahil sa narinig nya mula sa binata.

"What do you mean?"

"Mahal kita Julie. At ayokong dumating yung araw na bigla nalang maglaho yung pagmamahal natin para sa isa't isa."

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon