Palage kana lang ba umaasa?
Na sana kayo na lang dalawa?
Iyong tipong wala na lang sila,
Sila na masaya sa isa't -isa.Masakit! kasi walang kayo at malabong maging kayo,
Kasi kaibigan lang ang turing niya sa 'yo,
Pero patuloy ka pa rin aasa kasi mahal mo,
Na kahit nasasaktan ka na at nagiging tanga.TANGA!!
Tanga kasi patuloy ka pa rin na mahalin siya!
Tanga dahil sa akala mo masusuklian niya 'yang pagmamahal mo!
At tanga dahil nabubulag kana ng pag-ibig mo sa kaniya!
kaya hindi mo nakikita 'yong mga tunay na magmamahal sa 'yo !Hindi mo kailangan ipagsiksikan iyang sarili mo,
Sa taong hindi ka kailanman magagawang mahalin,
Madaming magmamahal sayo at tatanggap--
Kahit patuloy mo pa rin ipaglaban 'yang pagmamahal mo wala kang tyansang manalo,
Dahil kahit kailan kaibigan lang ang kayang ibigay niya sayo.