Sana (One shot)

23 2 1
                                    

Hey there pips. XD Ang Oneshot story na ito ay, valentine special. Kahit late na ang valentines day, sige lang. BITTER ako eh. Dejk. ^-^ Kamusta naman V-Day niyo? Ano ba? Masaya ba? Malungkot? O malungkot? Hurhur. Enjoy~

-- SJelly.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Naranasan niyo na ba yung, nung unang tingin mo palang sa kanya, parang ayaw mo na. Dahil naaalala mo sa kanya yung classmate mong bully last year dahil may pagkakahawig sila. Haha. Pero in the end, sa kanya ka rin pala mahuhulog. Well, di naman totally nahulog na. Eto yung puntong bumabagsak ka na, pero kumakapit ka pa. Dahil pag bagsak mo, alam mong walang sasalo sayo. Kung hindi sahig. At, alam niyo naman siguro kung gaano kasakit mahulog sa sahig. Parang yan lang yung nahuhulog ka para sa taong walang pakielam sayo. 

**

"Oo! Tsk. Bessy! Buti nalang, anjan si Nathan! Tinanong ko sa kanya kung gusto pa rin niya ako eh.  Buti nalang, meron pa siyang feelings sakin. Kaso bessy, naguguluhan ako between him and Gino eh. Hihi."  Alanice.

Siya si LuckyGirl2. Babaeng napupusuan ng lalaking napupusuan ko. Ang swerte niya talaga. Maganda siya, mabait. Lahat natutuwa sa kanya. Lahat gusto siya. Bakit LuckyGirl2? Dahil may nauna pa sa kanya sa puso ni Nathan. Ang kaso nga lang, ayun sinaktan. Naalala ko pa noon. Laging kinukwento sakin ni Nathan yung tungkol sa kanila ni LuckyGirl1. Nung mga panahon na yun, wala akong nararamdamang sakit.

Pero ngayon? Meron na. Tumatagos pa kamo. Bestfriend ko, nagustuhan ng lalaking mahal ko. Samantalang ako yung laging nasa tabi ni Nathan. Tsk. Di ko alam kung manhid siya o ano eh. Ang alam ko, kailangan kong maging masaya para sa kanilang dalawa. Dahil, dun masaya ni Nathan. Kay Alanice a.k.a LuckyGirl2 a.k.a Bestfriend ko.

"Hmm.. Good. Eh, may pag-asa naman ba siya sayo? Pag niligawan ka niya sasagutin mo ba siya? Mahal mo na ba siya? Sino ba talaga sa kanila gusto mo ha?" Ako.

"Wow. Bessy ah. Ano 'to? Hotseat? Basta bahala na! Tara kain na tayo!" Alanice.

Lagi nalang siyang ganyan. Hindi niya sinasagot mga tanong ko pag tungkol na sa kanila ni Nathan. Naguguluhan din ako sa babaeng 'to eh. Di ko alam kung may gusto rin ba siya kay Nathan o ano eh. Kasi kung wala, eh aba. Handa akong saluhin si Nathan. Handang handa. Kahit ilayo pa siya ng hangin sakin. Oh kung pwedeng nga lang SANA ako nalang si Alanice.

** UWIAN **

"Uy!" 

Ayan na naman siya. Yung mga tingin niya. Grr. I hate him. I hate him because I love him. Ang gulo ko talaga. Lagi naman akong ganito eh. Sasabihin ko iiwasan ko siya pero hindi ko kaya! Ano ba naman tong puso ko. Ayaw na ayaw makikinig. 

"Uy! Nathan, kaw pala."

Yan nanaman. Tumatalon nanaman yung puso ko. YAH!!!~ Ayoko ng ganitong feeling! Ayoko ng ganito. Hindi ganito yung nararamdaman ko nung una eh. Hindi ako sanay na ganito. :(

"Tara! Libre kita." Nathan

"Alam mo. Kung may kailangan ka, sabihin mo nalang. Pwede? Wag yung dinadaan mo pa ako sa libre!" Ayoko sa lahat yung ganyan siya. Dinadaan pa niya ako sa pagkain para makuha niya yung kailangan niya. Tss. Tungkol nanaman siguro 'to kay Alanice.

"Oh. Easy! Meron ka ngayon no? Sungit. Haha." Nathan

"Ano nga kasi?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon