Chapter 1

3 0 0
                                    

Present

It's been 6 freaking years since he left me. Galit ako. Nasasaktan ako. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. Gusto ko siyang saktan katulad ng ginawa niya sa akin.
Ang tanga tanga ko lang kasi kahit iniwan at sinaktan niya na ako. Siya at siya pa rin ang laman ng lintek kong puso.


Gustong gusto ko siyang kalimutan pero tong puso ko, nagpapakatanga pa rin.


"Hoy Cali, maawa ka naman diyan sa unan, kanina mo pa yan sinusuntok." Sabi ni Skye, bestfriend ko.


Buti nalang talaga, hindi ako iniwan nitong si Skye. Tiniis niya lahat ng kadramahan ko sa buhay.


"Sino ba namang hindi magagalit kong nabalitaan mo lang naman na umuwi na yong unggoy na ng iwan sa'yo?" Sabi ko habang patuloy na sinusuntok ang kawawang unan.


"Wag ka na nga magalit diyan. Papangit ka talaga niyan. Mabuti pa punta nalang tayo sa Bar. Inom tayo para mawala na yang galit mo!" Sabi niya habang kinukuha yung unan na hawak ko.

"Tss. Okay. Dali na magbihis na tayo!"


Pumunta na kami sa kwarto at nagbihis. 


I'm wearing a double crossed high-low bandage dress. While Skye is wearing a double slit maxi dress.


"Wow Cali! You look hot!" Puri ni Skye.


"Thank you! You look stunning Skye. Pero wala pa tayong make up and our hair is a bit messy." Sabi ko.


"Kanya kanya na tayo bes! Mag make up ka na don at mag memake up na rin ako!" Sabi niya habang naglalagay ng concealer.


Nang matapos na kami. Lumabas na agad kami at sumakay sa kotse.


Pinakita muna namin ang aming ID sa bouncer at tsaka pumasok.


Umupo na kami sa counter at nag order.


"Martini please." Sabi ko.

"How do you want it ma'am?" Tanong ng bartender.

"Vodka."

"Gin and Tonic akin."


Nagsimula ng mag mix ang bartender ng aming order.


"Ano bang plano mo ngayong nandito na siya?" Tanong ni Skye.


"Hindi naman ako magpapakita sa kanya no. Baka umiyak lang ako. Magmumukha pa akong tanga." Sabi ko


"Paano kong aksidenteng magkita kayo?" Tanong niya habang sinusuri ang galaw ko.


"Edi haharapin ko siya." Sagot ko with confidence


Binigay na ng bartender ang aming drinks.

 

Ininom ko agad ito at nag order pa ng isa.


"Grabe ka makainom Cal! Hinay hinay lang"


"Ano bang pinunta natin dito? Diba ang pag inom? Edi iinom ako hanggang  sa makalimutan ko yung gagong yun." Sabi ko sabay inom.


"Okay kung yan ang gusto mo. Papanoorin nalang kita."


"Hoy ang daya! Uminom ka pa!"
Sabi ko habang binibigay sa kanya yung glass ko.


"Ayaw kong mamatay ng maaga Cali. Magmamaneho pa ako. Ikaw tong may problema kaya uminom ka pa."


Hindi ko na nabilang kong pang ilang baso ko nato.


Hindi pa naman ako gaano kalasing pero masakit na yung ulo ko.

Siniko ako bigla ni Skye.


"Ano?" Naiinis kong tanong.


"Evan is here. Kasama niya sina Axel at Ian. Papalapit sila dito." Nanginginig na sabi ni Skye.


"Oh shit, anong gagawin ko?" sabi ko habang natataranta.


Kalma lang Calista!


Tatayo na sana ako pero saktong dumating yung magkakaibigan.


I'm dead!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon