CHAPTER 2

9 3 1
                                    

Pumasok ako sa CR para maligo at mag toothbrush para makapag pahinga na.. PAG katapos kong maligo sinuot ko na ang aking roba . Binuksan ko ang pinto ng may mapansin akong taong naka upo sa aking kama .Nakatalikod ito sakin nakadama ako ng kaba pero Teka bat pamilyar ang likod nya pati ang buhok at katawan  parang si......Hindi ....Hindi imposible  naman yata pero parang talaga eh

Unti unting  tumingin ang lalaki sa direksyon ko at laking  gulat  ko ng makita ko ang kanyang mukha

"Hi baby" tawag nya sakin na parang nang aakit

"K-kurt???" Ang kaninang kabang naramdaman ko ay dumoble hindi pala triple, tripleng kaba ang naramdam ko....

bat nandito si Kurt ?bat nasa kama sya at take note naka hubad ..

Naka hubad.

Nakahubad.

Nakahubad ng damit pantaas pero.sayang bat pang itaas lang sana pati  aissssh pervert Rei

Dahan dahan syang tumayo at nanigas ako ng mapag tanto kong papalapit sya sakin ,di ko mapigilan tignan ang kanyang napaka gwapong mukha pababa sa kanyang katawan nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon ,goshhh kape nlng kulang eh pares sa anim nyang  pandesal  ,tskkkk ano bang iniisip mo Rei lord linisin nyo po ang madumi kong isip promise mangungumpisal po ako mamaya huhuhu ...

Napansin kong malapit na siya sa kinatatayuan ko .Hindi ko alam ang gagawin  kaya bumalik ako papasok sa CR.Napasandal ako sa pinto sa sobrang kaba.Nakarinig ako ng mga katok galing sa labas.
Nanginginig ang buo kong katawan namamawis ang aking mga kamay  LORD bat sya nandito? Totoo ba talaga to ??? Kung totoo to pwede nyo na kong kunin pero syempre joke lang yun..

Ilang minuto pa bago ako napagpasyahang lumabas na , habang hawak ko ang doorknob di ko mapigilang mangingig .Dahan dahan ko tong binuksan at sumilip sa labas, nakampante ako ng malamang wala na sya kahit Papano nawala konti ang kaba ko .Binuksan ko na ng malaki ang pinto palabas ,hahakbang na sana ako pero di ko inaasahan ang sumunod na nangyari...........

O______________O

Biglang lumitaw si Kurt sa harap ko muntik na kong matumba dahil sa sobrang gulat buti't nahigit nya ko pero isinandal nya ko sa pader habang ikinukulong sa mga braso nya.Nanlamig ako ,nanglalambot ang mga tuhod ko parang anytime babagsak ako sa kinatatayuan ko .

"K-kurt a-anong gi-ginagawa mo?" Di ko alam kung San ko nahugot ang mga salitang yun.Pero imbis na sumagot hinigit nya ang bewang ko para mas  madikit sa kanya. Dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya  MY GOD anong  ginagawa ni Kurt ba't di ako maka  react parang nahihipnotays ng mata nya ang mga mata ko para syang nang aakit ,napadako ang mga tingin ko sa mga labing papalapit sakin ang pula parang ang sarap halikan (haist erase erase Rei tumino ka nga) . Mas  lalo akong kinabahan ng mapansing kunti na lang mag lalapat na ang aming  labi .ipinikit ko ang aking mga mata hinihintay ang paglapat ng kanyang mapupulang labi .

At :)

*click*

*click*

*click*

Napabangon ako bigla ng may narinig akong tunog ng camera ,kung siniswerte ka nga naman oh bat ngayon pa?

"HAHAHAHAHAHAHAHa"

Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala syang planong  tumigil ehh ,ang saya niya grabe

"HAHAHAH Sam naka kaka HAHA tawa ng HAHAHA itsura mo HAHAHAHA" mas  sinamaan ko sya ng tingin at mas lalo siyang  tumawa with hawak sa tyan pa..

"SAM MABILAUKAAAAN KA SANA ,UMALISSS KA SA KWARTO NGAYON DINNNNNN!!!"

Pinipilit nyang tumahimik pero d nya talaga magawa sarap upakan ng babaeng to .

"Rei nakakatawa talaga ang mukha mo kulang na lang matanggal yang labi mo sa kaka-nguso mo hahaha kunti na lang mapagkakamalan na kitang pato eh, baka gusto mong ikwento ang masarap mong panaginip?hahahah ."

Halos ikamatay na niya ang pag tawa pero bigla syang sumimangot

"I change my mind.wag na lang pala dahil alam Kong si Kurt na naman yan panigurado. nakakadire at nakakarinde na Rei" maarte nyang pag kakasabi.Mas lalong akong sumimangot sa sinabi nya

"SAMMMMM SABING LUMABAS KA NG KWARTO KO KUNG AYAW MONG SIPAIN PA KITA PALABAS" banta ko sa kanya

Natigilan naman sya at dali daling tumakbo palabas pero bago yun may sinabi pa sya.

"GOODMORNINGGG AREILA hahahah 6:48 am na nga pala"

Aaghhh anong  good sa morning ??WALA !!yun na yun  ehh kunti na lang mag kikiss na sana kami ni Kurt pero ano??Agghh  SAYANG  naman oh ,salamat sa magaling kong best friend .Thanks Sam wala ka talagang katulad .You never failed to ruined my morning ,Pero anong sabi nya ??6:48???napatingin ako sa orasan sa side table ko .....

O_______O

Whattttt???? 6:48am na ???eh 7:30 pasok ko ehh!!! Nko naman Rie oh bat ngayon mo pa nakalimutan .napaka kupad mo pa naman... Dali.x akong tumakbo papasok sa banyo at ginawa ang rituals ko , pagkatapos kong gawin lahat tumakbo nko palabas para mag bihis .tumingin ulit ako sa orasan 7:15 na nko 15mins nalang  ...,di nko makakakain nito  .

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin mukhang okay na naman kaya tumakbo nko palabas. Naabutan ko si Sam sa Sala  kumakain habang nanood ng TV napansin nya naman ako agad.

"Rei dka na kakain??" Tanong nya

"Hindi na malalate nko .Bye" bumeso nko sa kanya bago tumakbo pero may pahabol si Sam

"Amft Rei di mo nga pala magagamit ang kotse kasi flat ang gulong??"

Napanganga ako sa narinig

"Ano???Bat ngayon pa?? Sige.x mag cocomute na lang ako Bye na talaga".kung minamalas ka nga naman Rei Oh.

Pagkalabas ko ng gate pumara agad ako ng taxi .Buti  nalang  may taxi agad.

" Kuya sa REI WAY CAFE po" tamango naman ang driver.

Tumingin ako sa relo ko nko 13 mins nalang ,late na talaga ako .. Good luck na lang sakin.



When You Finally Meet Your EnvisionWhere stories live. Discover now