His Voice [ One Shot Story ]

21.3K 559 127
                                    

His Voice

Genre: Romance,  Non Teen, Humour

Cast : Byun Baekhyun aka Kkaebsong~ as Charles Lee

T - Ara Qri as Amalis Cheyne Castillo

P.S sana po magustuhan nyo tong One Shot ko. Another One Shot na matagal ng nakabalandra sa draft ko. Sinisimulan ko na ipost sila para pag summer magawa nung request ng iba. Votes and feedbacks po please!! I badly need feedbacks

P.S.S It's a lame one pero sana mag comment and vote pa rin kayo!

---

Amalis POV


Sa tinagal tagal na magkaklase kami ni Charles, hindi ko pa siya narinig na nagsalita. Ewan ko ba pero parang ngayon ko lang ata nahalata hindi pala siya nagsasalita. Actually hindi naman sa wala akong pakialam sa kanya pero dati parang nasanay na ako panay tango lang sya o kaya tingin sa mga tao sa paligid nya.

Magaling naman sya sa klase. Nakakagulat nga na sya ang laging nangunguna sa music class namin kahit hindi naman sya kumakanta at ako, Heto nahuhuli ko ang sarili ko na sumusulyap ng tingin sa kanya. Napakaseryoso nya rin at bihira syang ngumiti para syang laging may sariling mundo at tangi sya lang din ang nakakaalam nun.

"Class.. your final Exam for me is singing" sabi ng teacher namin para naman akong nagising "any song will do.. but choose a song that will describe the change in your life" sabi ulit ng teacher namin.

Wala ako sa sarili na napatingin kay Charles "and for you Mr. Lee, kahit na lagi kang mataas sa klase ko, this will be the final requirement.. you need to sing" sabi ng teacher namin. Hindi sya nagreact sa halip tumingin lang sya sa bintana at parang nagisip

"Ms. Santos?" tawag sa akin ni Ma'am "po?" sagot ko sa kanya. 'Let's talk after the class.." sabi nya sa akin wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang ako  sa kanya "and also you.. Mr. Lee" sabi nya sa akin

Tumingin lang ulit si Charles. Natapos ang klase namin nanatili akong nakaupo sa chair ko samantalang tumayo na si Charles "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya pero tiningnan lang nya ako 'Huy! Sabi ni Ma'am mag stay daw tayo dito" sabi ko sa kanya pero tiningnan lang nya ako " Huy! Di ka ba talaga magsasalita ha?" tanong ko sa kanya. Lumapit sya sa blackboard tapos may sinulat sya.

Wala kang pakialam kung magsalita ako o hindi

Mataray sya infairness, nanahimik na lang ako nagktaon na bumalik si Ma'am. Nilapag nya ilang music sheets sa harap namin 'Kaya ko kayo pinatawag kasi napapansin ko na hindi na maganda ang performance nyong dalawa. The two of you both lack requirements that is needed para makapasa kayo sa Music school na to" sabi ni Ma'am sa aming dalawa

"Pero Ma'am nagsusubmit naman po ako ha? Saka kumakanta naman ako eh" sabi ko sa kanya. Tahimik lang si Charles. Don't expect him to talk kahit na ata may sunog di yan sisigaw para sabihin sa lahat eh.

His Voice [ One Shot Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon