back story

3.3K 59 19
                                    

This is the beginning of their story.

Dedicated to Ate Mae (@perfectly_goodheart). Thank you, Ate, for always supporting me. I love you!:">

Date published: February 18, 2014
Date edited: March 27, 2014
_______________________

"Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin sating dalawa. Ako na assuming, o ikaw na misleading?"

~AquilaAndromeda~
_______________________

back story

Third year high school tayo no'ng maging kaklase kita. Madalas na tayong nagkakasama sa English Club, pero mas naging close tayo no'ng nasa iisang klase na lang tayo. We instantly clicked and became best of friends - as you declared it no'ng birthday mo that year. 

Ang kulit mo. Parati kang may banat sa'kin. Madalas mo rin akong ginu-good time sa mga jokes mo. Pero gentleman ka, at may respeto sa'kin - sa lahat ng babae, actually - at mas matanda sa'yo.

You know when to be serious, and when to be honest in telling me my flaws. Gano'n din ako sa'yo. Best friends tayo, e.

Hindi ka nakakalimot and you’re always present sa mga importanteng araw para sa'kin. Kulang na nga lang tawagin mo na ring Mama ang nanay ko dahil parati kang pa-involve sa mga family events namin. Pero syempre, gano'n din ako sa inyo kasi best friend mo ako. Hila mo ako sa mga trip mo; hila rin kita sa mga trip ko.

Best friends tayo, e.

Tahimik lang akong nagli-lecture sa Math class natin isang araw nang lumapit ka sa'kin.

“Aquila!” Umupo ka sa bakanteng upuan sa tabi ko. Palibhasa lumabas si Ma’am Abinal kaya panay na naman ang pangungulit niyong boys imbes na mag-lecture.

Napaangat ako ng tingin. “Oh?”

“May ballpen ka ba?” nakangisi mong tanong. Tumango naman ako. “May tinta ba?”

Nagtaas ako ng kilay, “Syempre,” sagot ko.

“Sige, kung may tinta 'yan,” nag-abot ka ng kapirasong papel sa'kin, “isulat mo nga number mo dito.”

Hindi ko maintindihan ang trip mo kaya napabuntong-hininga na lang ako. Wala sa sariling kinuha ko mula sa kamay mo 'yong papel at isinulat doon ang cellphone number ko. Binalik ko 'yon sa'yo.

Tatawa-tawang tiningnan mo 'yong nakasulat doon.

“Bakit?”

Nagseryoso naman ang expression ng mukha mo nang tumingin ka sa'kin. “Ganito lang pala kadaling makuha ang number mo. Tsk tsk.” Umiling-iling ka pa na parang disappointed ka.

Napahiya ako nang ma-realize ang gusto mong sabihin. Nang-gu-good time ka na naman pala. “Nakakainis ka,” pagtataray ko sa'yo. “Umalis ka na nga dito.”

Ngingisi-ngising pinisil mo ang pisngi ko. “Pikon ka na naman.”

Pinalo ko 'yong kamay mo. Umalis ka rin sa tabi ko, pero napansin ko na ibinulsa mo 'yong papel na may number ko. Hindi ko pa nga pala nabibigay ang number ko sa'yo. Reserved kasi akong tao; ayokong kung sino-sino ang nakakaalam ng personal information ko - at alam mo 'yon. Pero in that instant, nakuha mo ang numero ko. Ayos ka rin. Buti na lang ikaw 'yan, si Charles na best friend ko.

Unang Valentine’s Day natin bilang mag-best friend, you invited me to your home. Nag-celebrate tayo nang sabay. Wala ang mga kapamilya mo dahil nag-out of town sila. Nagpaiwan ka dahil may pasok tayo.

Simple lang 'yong naging celebration natin, nagluto ka para sa'ting dalawa. Tapos, habang nanonood tayo ng pelikula - horror movie 'yong trip natin - at kumakain ng ice cream, tumingin ka sa'kin.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon