If you have read Ikaw after the back story, thank you.:)
Date published: February 19, 2014
Date edited: March 27, 2014
_______________________
The pain healed; memories remained.
~AquilaAndromeda~
_______________________
after story
“Teacher Lala!”
Napalingon ako nang maramdaman ko ang maliliit na bisig na nakayakap sa binti ko. Agad akong napangiti nang masilayan ang masiglang mukha ni Jazz, isa sa mga estudyante ko sa pre-school na pinapasukan ko bilang Teacher. “Jazzy boy.” Kinarga ko siya.
He giggled, gustong-gusto niya talaga ang binubuhat ko siya. “Teacher Lala, uuwi na ikaw?” tanong ng limang taong gulang na si Jazz. Teacher Lala ang tawag niya sa'kin dahil hindi niya raw mabigkas ang Aquila. I find it cute. Someone as young as this boy already has an endearment for me.
“Opo, e. Wala pa ba Mommy mo?” Naglakad ako pabalik sa classroom nila habang karga siya.
Umiling 'yong bata. “Hindi naman ako sinusundo ni Mommy. Parating si Yaya.”
Napansin ko ang lungkot sa mukha ni Jazz. Maging ako ay nagtataka kung bakit hindi ang mga magulang niya ang sumusundo sa kaniya, 'di tulad ng iba.
“Ikaw po, Teacher Lala, asan sundo niyo?”
Ibinaba ko siya at pinaupo sa cement railing. “Hmm, walang sundo si Teacher Lala, Jazzy,” sagot ko sa tanong niya.
“Bakit naman po? Wala po ba kayong boyfriend?” kunot-noong tanong niya.
Natawa ako. “Boyfriend? Kanino mo naman narinig 'yan?”
“Kay Yaya po,” inosenteng sagot niya.
Nako, kung ano-ano ang naririnig ng batang 'to. “Wala pong boyfriend si Teacher Lala, Jazzy. Mag-isa akong umuuwi. Kaya ikaw,” I poked the tip of his nose, “maswerte ka kasi may sumusundo sa'yo.”
Nakiliti siya sa ginawa ko. Hinuli niya 'yong daliri ko. Pero agad ring naging bakas ang lungkot sa mukha nya. “Pero hindi si Mommy o Daddy. Parati lang si Yaya.”
Naawa naman ako dun sa bata. At late na, wala pa yung sundo nya. Buti na lang pala hindi pa ako nakakaalis, kung hindi, maiiwang mag-isa si Jazz dito. Hindi ako ang last period nila, kaya hindi ko napansing andito pa siya. “Sige, samahan muna kita habang wala pa si Yaya, okay?”
“Okay po,” sabi niya at nakangiting hinuli ang mga hibla ng buhok kong nililipad ng hangin. Nilaro niya 'yon sa mga daliri niya. Napangiti naman ako.
All of a sudden, I remembered someone. Someone na mahilig paglaruan ang dulo ng buhok ko.
I smiled as I tried to picture him on my mind. Kamusta na kaya siya ngayon? Siguro Architect na siya ngayon. Maybe he’s already married with her. And maybe they’re both happy. They were a perfect match after all.
It’s been five years. Masyado na rin palang matagal simula noong araw na 'yon.
Limang taon. Whew.
Ako, kamusta ba ako after five years?
Masaya rin naman ako. Sinubukan kong maging masaya dahil kailangan.
Naka-graduate ako, pumasa sa LET, naabot ang pangarap kong maging pre-school teacher, at masaya akong nagtuturo ngayon for three years.
Since I left, wala na akong balita tungkol sa kaniya. Well, I chose not to know anything about him. Mas pinili kong 'wag nang alamin kung kamusta siya. Naintindihan naman nila Mama; kaya kahit naguluhan sila kung bakit ipinilit kong makitira muna sa Tita ko sa ibang probinsya at doon na tinapos ang pag-aaral ko, pumayag na rin lang sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/12760841-288-k397763.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
Romance~SHORT STORY~ The back and after stories of Ikaw. And this is my final Valentine Special Entry.:) ~AquilaAndromeda~ February 18-19, 2014