One Night Only [Lee Min Ho's Fan Fic]

2.5K 46 76
                                    

[A/N: Kung may mali man po sa pag-describe ko ng Araneta coliseum, sorry po! I fitted the coliseum based on the story. Thanks and enjoy!]

-

Isang araw na wala akong magawa sa buhay ko ay tumutok ako buong maghapon sa TV. Kasalukuyang pinapalabas ang "A Crazy Little Thing Called Love" na pinagbibidahan ni Mario Maurer mylabs at ni Baifern Pimchanok. Sa totoo lang, tuwing pinapalabas ang A Crazy Little Thing Called Love, madalas na ini-imagine (okay, PINAPANGARAP) ko na ako si P'Nam ni P'Shone. Aba teh, ganun ba naman kagwapong lalaki ang nasa school namin, talagang hahabulin ko 'yun! Kahit i-stalk ko pa eh, keribels lang. Biglang nag-commercial break at lumabas ang isang news report:

"LEE MIN HO NA BIDA SA SIKAT NA TV DRAMA NA BOYS OVER FLOWERS AT CITY HUNTER, DARATING SA 'PINAS!" Ang naka-caps lock na headline na naka-display sa TV namin.

Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang ikot ng mundo nang mag-flash ang mukha ni Min Ho oppa sa TV. Parang sa akin talaga siya nakatingin... 'Yung mga matang 'yun, para akong hinihigop. Tuwing napapatitig ako sa mga mata niya, parang nata-transport ako sa ibang mundo. Merong---

"Hala si Lee Min Ho pupunta dito oh!" Sigaw ng tita ko. Tsk! Spell broken. Nage-emote pa 'ko dito tungkol kay Min Ho eh.

"Duh, as if naman 'di ko nakita." Sagot ko with matching rolling eyes pa. Ako na ang 'di magalang! Hehe, ganyan talaga kami dito eh. Parang dabarkads lang.

Nagpakita ng video clip sa TV. Isang eksenenang kuha sa City Hunter. 'Yung scene na nasa bahay ni Yun Seong si Na Na tapos nagtatago siya dahil nag-iikot sa bahay nila 'yung kasamahang bodyguard ni Na Na na si Eun-ah. Tapos... Tapos... NAG-WINK SI OPPA KAY NA NA!!! Ugh, Kim Na Na, Y U so lucky?! Ang gwapo-gwapo talaga ni oppa. Nagha-hyperventilate na ako dito. Mygahd.

"Isang linggo mula ngayon ay darating na si Lee Min Ho sa ating bansa." Pagtatapos ng newscaster.

Sheeeeeeet na malagkit! Bakit hindi ko 'to nalaman sa fan page ng Minoz?! Nakakabwisit talaga! Kaka-nganga ko sa harap ng TV screen, hindi ko tuloy nalaman kung saan ba magpupunta si Min Ho oppa pagdating niya rito!

Kinalimutan ko na muna si P'Shone. Agad akong nag-online at nag-log on sa Facebook. Tinignan ko 'yung group na "We Love Lee Min Ho (Minoz)" para tignan kung may update ba sila tungkol sa pagdating ni oppa. May nakita na agad akong mga reaksyon:

"so excited for min ho's arrival! <3" 

"isang linggo na lang!!!" 

"Min Ho is my world!"

Kahit sa news feed ko, nagkalat ang balita tungkol sa pagpunta ni Min Ho dito. Hay, the world is in chaos! Nagulat ako dahil sabog din ang notifications ko. Ang daming nag-mention sa akin sa mga stat nila, mostly mga kaklase ko, sinasabi nga na darating si Min Ho. Para namang 'di ko pa alam!

Binuksan ko 'yung isang Yahoo! article tungkol sa pagdating ni oppa. Meron palang Asian Tour ang 2NE1 sa bansa at guest si Min Ho. Nung tinignan ko kung bakit andun si Min Ho, dahil daw 'yun sa support niya kay Dara (snort) na nakasama (at nahalikan! Dara is so lucky. Ugh.) niya para sa CF ng Cass beer. Asar! Ipaubaya na lang nila si Dara kay G-Dragon, pwede?! Iniyakan ko nga nung nalaman kong nagde-date sila Min Ho at Min Young eh! At siyempre, sobrang saya ko nung nalaman kong wala na sila (devilish laugh). Tapos ngayon ili-link ulit nila si Min Ho kay Dara. NO WAY!!!

Nag-search ako sa Google ng concert posters ng 2NE1. Next week na nga 'to! Nakakainis! Pahabol na guest lang kasi si oppa eh! Hindi ko napaghandaan. I'm so dead! Paano ko na mami-meet in person si oppa?! There's no way na makakaipon ako ng 1, 500 pesos-pesos in one week! Mahirap lang ako. Ajuju~ Bakit ganito?! Eto na nga lang ang one and only chance ko na makita sa personal ang pinakamamahal kong asawa (kahit hindi niya alam na asawa ko siya), wala pang paraan?! 'Pag nangutang naman ako sa family members namin, sigurado ako, as in 101.1% akong sigurado na hindi nila ako papautangin. Siguro dahil alam naman nilang wala akong pambayad. ANO NG MANGYAYARI SA BUHAY KO NGAYON?! Wala na akong pag-asa...

One Night Only [Lee Min Ho's Fan Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon