Introduction:
“ Huy.! Gawa mo ko ng assignment!” Walang kwenta ‘to o!
“ Gumawa ka ng sarili mo. Wag ka nang maging dependent sakin.!” Hindi ako dependent.!
“Binabayaran kita, tapos hindi mo ko ginagawa.”
“FYI lang ah, hindi ikaw ang nagbabayad sakin, yung Dad mo, hindi ikaw.” Tss. Arte, ganun din naman yun.
“Umayos ka nga, kung ayaw mong mawalan ng trabaho.!”
“Hoy.! Hindi ko kelangan ang pera mo, mayaman din kami. Naki-usap lang si Mr. Middleton saken kayak o tinanggap ang pagiging tutor mo.!”Para naman akong walang alam kung ituring ako ni Dad eh. Tss.
“Igawa mo na kasi ako, dami pang angal, igagawa din naman ako.”
“ Pssh. Oo na. Bakit ka pa kasi pinanganak.!” Haha.! Para magkaroon ng gwapong nilalang sa mundo.
Ako nga pala si Raven Middleton, tapos yung walang silbi na ayaw akong igawa ng assignment ay si Bailey, Danielle Destiny Bailey Summer Mikayla Sophie Ferguson. Ang haba ng pangalan, buti pa yung akin, Raven Jeremy Middleton lang, haha.Siya yung walang kwentang tutor na binigay ni ama para hindi ako bumagsak.