Chapter 31 (Part 2)

101 1 9
                                    

Chapter 31 (Part 2)

Clarence's POV

"Walanjo pare! Ikakasal ka na! Hahaha" Kean

"Matatali ka na. Tsk tsk." Nick

"Magiging ama ka na!" Mick

"Gago! Di yun buntis noh!" 

Mga ulul toh! Kanina pa ko pinagttripan. =______=

"Teka akala ko ba si Jane ang gusto mo!" -M

"Eh gusto lang naman pala eh! Iba ang gusto sa mahal! Eh andami na naGUSTUHAN niyan eh!" -K

Parang natamaan ata ako sa sinabe ni Kean. Gusto ko lang ba talaga si Jane katulad ng mga babaeng nagustuhan ko lang noon o mahal ko na siya? Pero sinabihan ko na siya ng i love you. Pero prang di na ko sure, gusto? mahal? Haaay! Ano ba naman toh! Lord! Bigyan niyo naman ako ng sign kung mahal ko ba talaga si Jane o gusto lang. 

"Pare ano tinitingnan mo?" -N

"Ou nga, ano ba hinahanap natin?" -K

"Baka may butiki!" -M

Pagtingin ko sa tatlo, nakatingala ang mga ulol! Pano nung nagpray ako kay Lord nakatingin ako sa taas. Syempre para malakas talab ng pray. Haha

"Mahal?" -M

"O.." -K

"Gusto?" -N

Inakbayan ako ni Nick.. Hala! Nabading na ata toh sa kagwapuhan ko! 

"Pare di tayo talo!" sabe ko

"Gago! Tutulungan na nga kita eh! Alam mo ang pagibig parang halohalo. Pwede ka mamili ng sahog. Pero pag di pwede mamili kagaya ng halo halo sa chowking, nasasakutsara nalang kung ano ang makukuha mong sahog at kung ano ang iiwanan niya." 

Napa-huh?!! Ako dun ah! Ano raw! Lalo ako naguluhan eh! ~_^

"Arraaaayy!" binatukan ni Mick

"Gago! Hahaluin kita jan eh! Kasing layo ng Edsa yung sinabe mo! Para kang si boy-pick up! Kamukha mo pa! Tabe nga! Ako kase expert dito eh!" Tapos tinaboy ni Mick si Nick papunta kay Kean na tawa naman ng tawa sa sulok.

Tengene mga baliw kasama ko!

"Alam mo sahog-..Ay este! Clarence, gago kasing Nick yun eh! Ang pagibig parang gamot, kunwari may sakit ka. Sa dinamidami ng gamot na binebenta ngayon,. isa lang ang makakapagpagaling sayo. HAHAHAH! GALING KO PUCHA! ARRAAYY! " sinapak ko nga. Ano naman kinalaman nun sa pagaalam ko kung gusto o mahal ko si Jane?! Mga walang kwenta mga toh oh!

"Gago ka! Eh nasa Visayas ata yung layo ng sayo eh! Ubod ng layo! Kailangan pa gamitan ng barko!" 

"Ang cheap mo naman. Zamora ka pa naman. Private choper naman! ARAAYY!! Ou hindi naa!" Lokong toh! chopchopin ko toh eh!"

Tapos may humila kay Mick, buti naman malalayo na sakin yun. Baka mahawa ko sa kalokohan ng gagung yon. Lumapit naman toh si Kean, nako! Baka, "Ang pagibig blah blah blah" nanaman marinig ko dito! At baka nasa kabilang planet na ang layo! Tss!

"Oh ano?!" 

"Easy! Kung gusto mo malaman ang sagot sa tanong mo, ayun tingnan mo." Sabay turo sa magazine na binabasa ng bading naming classmate

O____O

PUCHA! 

LECHE!

TAKTE!

O____O

Hinablot ko yung magazine at tingnan mabuti..

"Hey! Ano bey?! Nagbabasa aketch!" sinetch bey itech nemen-..PWE! Nakakahawa!

Balik sa magazine..

Nako! Ang init ng tenga ko! Nilalabasan na ba ng usok!? Pati ata ilong ko!

Lumapit yung tatlong itlog..

"JP SANTOS CAUGHT W/ A NON SHOWBIZ GIRL." Binasa ni..Ewan! Di ko alam kung sino bumasa. Basta parang gusto kong burahin yung mukha ng lalakeng yon! Napasok ng showbiz life si Jane dahil sa kanya!"

"Pre, nagseselos ka ba?"

Ako?! Tinatanong niya ba kung nagseselos ako?!

*silence*

*silence*

*silence*

*silence*

*silence*

*silence*

*silence*

"PANONG HINDI AKO MAGSESELOS! KITA MO!! YAPOS NA YAPOS KAY JANE KO! NAKAHAWAK PA SA BEWANG! HAY TANG*A NIYA! PADISGUISE DISGUISE PA TAPOS MAKIKITA DIN PALA SILA! DINAMAY PA SI JANE KO! PAG NAKITA KO YUNG LALAKING YON SISIGURADUHIN KONG WALA NA SIYANG MUKHANG MAIHAHARAP SA CAMERA!!!"

Ou na! Nagseselos na ko! Di ko pa nga nahahawakan yung kamay ni Jane tapos siya sa bewang na?! Utut niya!

"WOAAAHHH!!" sabe nung tatlo

Ng nagsink in na sa utak ko lahat ng pinagsasabi ko, alam ko na

Mahal ko nga si Jane! Mahal ko si Jane! Hindi mali ang nararamdaman ko! ^__________^  

Naglakad na ko palabas ng room, wala akong pakialam kung cutting man ako! 

"Pre san ka pupunta?" Kean

"Pupuntahan ang babaeng mahal ko." yan nalang ang nasabi ko at patuloy sa paglalakad

"BOOM! HAHAHA!" Aba! Sino ba yung gagong yon?!

"Go pare! Puntahan mo na ang sahog ng halohalo moo!" Alam ko, si Nick yun. -_____-

"Gago! Bibilhin na niya yung gamot para sa sakit niya!" Mick. -________-

Magkakambal. Magkakambal sa kautuan.

Habang papalabas ako, sabay tapon ko ng magzine na hawak ko sa nadaanan kong trash can.

Ngayon alam ko na. At hinding hindi ko na hahayaan na may ibang makahawak pa sayo. Ako lang.

Dahil mahal kita Jane.

~A/N

Cooooooooment! ^______^

Lahat ng readers ko puro pipi. -_____- Silent readers. Hahaha

Pero ayos lang, thank you sa inyo!

Oh ayan na part two, abangan nalang ang pat 3. :) Promise ko sa inyo na kikiligin kayo. Hahaha

Vote.Comment.Smile. :)

Love at first SMILE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon