Hi ako nga pala si Alyanna Lee, Anna for short and I'm 16 years old.
"Hoy! Tabi!....Pangit na Maki!" And he is Kerth Wayne Ho.
My long time foe and what's worst he's my crush.
"Shut up!" Sigaw ko.
Since elementary kaaway ko na siya. Walang araw na hindi kami magkaaway kahit sa maliit na bagay, pag-awayan na agad at ang kinainisan ko pa ay yung tinatawag niya akong MAKI na malayo nmn sa pangalan ko.
Pero hindi ko namalayan na unting-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya.
Hahahah sounds crazy right?
"Annaa pasok na tayo sa loob" siya si Venesse Jung ang bestfriend ko
"Sige tara na" sagot ko.
Pagpasok namin sa room bumungad na naman ang pagmumukha ni Kerth.
"Hi maki, ang pangit pangit mo talaga" mapang-asar niyang sabi.
"Aba eh nahiya naman ako sa mukha mo" iritadong sagot ko
"Hahahaha pikon! Huwag kanang magalit mas lalo ka pang pumangit nyan eh." Tapos tumawa siya.
*pak* walang pagdadalawang-isip sinapak ko siya gamit ng bag ko sa braso niya.
"Aray!! Ilang bato ba ang pinasok mo sa bag mo Maki?" Tanong niya habang hinimas-himas niya ang kanyang braso.
"Ewan ko sa'yo. Tsk! Diyan kana nga"
Napatigil ako sa paghakbang nang biglang sumigaw ang kaklase namin.
"Guys! May meeting ang mga guro ngayon!" Classmate 1
"YEEEES, FREE TIME!"
Sigaw nilang lahat at habang si Venssse ay nakisali na rin.Nakangising umupo ako sa aking upuan. Kay sarap pakinggan
"Bhesty narinig mo yun? Nagme meeting ang mga teachers natin yeeeeshh!" Sabi ni bhesty habang niyugyog ang balikat ko.
"Yeah! I heard it clearly bhesty. Hahaha" sabi ko
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay sigaw ng ..."IT'S WATTPAD TIME"
Napatingin naman silang lahat sa amin atsaka nagsitawanan."Maki ang ingay mo! PANGIT mo talaga tss!!" It's him again.
"Shut up Birdhead!" Sabi ko na may pagkairita na boses.
Pero sa totoo lang kinikilig ako kahit masakit sa damdamin (charr:p) na tinawag niya akong pangit
:( di ba niya napansin ang kagandahan ko :( Ang OA ko talaga hahaha."Kayo talagang dalawa palagi nalang nag-aaway. Makaalis na nga lang dito baka madidisturbo ko lang kayo nagbabasa pa naman ako ng wattpad haller. Sige na bhesty doon muna ako sa kabilang silya ciao!" Sabi ni bhesty na may halong biro ang tono.
"Wag, dito ka lang takot ako sa Alien"Sabi ko na nilakihan ng mata si Kerth!
"hahahaha ikaw bahala bes" sabi ni bhesty
"Maki PAYATOT!!" Asar niya sa akin
"Ikaw panget mo" sabi ko
"Ako? Pangit? Ang gwapo ko kaya, If I know crush mo ako *grin*" lakas loob niyang sabi.
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Abah! Ang yabang ng pangit na to ahh!! Eh? Totoo naman talaga na gwapo siya. Ayieee ang landi ko.
"IKAW?! crush ko?! Che! In your dreams, Duh kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan. Isang kaaway. Kaya wag mong sabihing crush kita dahil di tayo bagay!!" Iritadong sigaw ko. Habang binalik ang atrnsiyin sa phonr ko.