Magkasabay

24 1 0
                                    

Great is the Lord and most worthy of praise; His greatness no one can fathom.

Psalm 145:3


Xeni's POV

"Xeni, labas ka na ng bahay at baka malate na kayo." sigaw ni Mama habang nakasalubong ko papasok ng bahay.


Kayo? Bakit kayo? Sa pagkakaalam ko hindi sasabay si Renz ngayon.


Minadali ko namang hinablot ang bag matapos isuot ang sapatos at nilapitan si Mama at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.


"Ma, alis na po ako." paalam ko at nagtungo na ng gate.


"Sige, ingat kayo." sagot naman niya at nakangiti.


"Kayo? Ma, mag-isa lang nama-" naputol ang sinasabi ko ng makita ko ang lalaking sobrang pogi kahit nakasimangot sa may gate.


>//>


"L-Liam."


Ngumiti siya sakin at nagpaalam kay Mama. Halos matulala naman ako nang alalayan niya akong maglakad palabas ng gate.


"Bakit? Bat ka nandito?" nalilitong tanong ko.


"Sinusundo ka."


"Bakit?" paguulit ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nandito siya.


"Ayaw mo?"


Hay nako Liam.


Hay nako.


>///>


"H-hindi naman kaya lang hindi ba abala ba sayo na pumunta pa dito imbes na sa school ka nagtuloy?" nahihiya kong sagot.


Doble siya ng pamasahe tska mas malapit sila school.


"Hmm, kina Tita Beth muna ako pansamantala." sagot niya.


"Pansamantala? Bakit? Paalis ba ulit si ate?"


"Gusto mo ba permanente?" nangingiti niyang tugon.


"Pwede ba?" halos wala sa sarili kong sambit.


Napakagat ako sa labi at parang napapahiya.


Xeni naman.


Control naman!!


Muli kong nasilayan ang ngiti niya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Butterflies in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon