Date Started: April 1 2017
Date Posted: April 2 2017 00:00
Date Ended: April 2 2017 00:00
Date Edited: December 24 2020April Fools
•-
May 14, 20**
5:20pm
NAIA MNL"We are requesting all the passengers of flight AJ1234 to Heathrow to start boarding. Please prepare your boarding pass and your identification cards upon taking on board. Thank you"
5pm. Ilang beses akong huminga nang malalim bago nagsimulang mag-ayos at tumayo. Kailangan ko ito. There's no reason for me to turn back. This is it April, after this magbabago ka na—magbabago na ang buhay mo.
Nagsimula na akong maglakad habang palinga-linga sa paligid. Umaasa pa rin ako. Umaasa na hahabulin at pipigilan niya ako. Tumigil ako sa paglalakad at inikot ang paningin ko. Hindi ko namalayang nagtagal na pala ako doon kung hindi lang tumunog ulit ang mga speaker at nag anunsiyong kailangan na naming sumakay.
Wala na talaga. Nagsimula na akong maglakad pero napatigil rin nang may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.
"April!"
Tila yata tumigil ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita kong gumagalaw at tumatakbo palapit sa akin. Bigla namang bumilis ang pagpintig ng puso ko at nagsimulang magrambolan ang mga paru-paro sa tiyan ko.
"April!" Hinihingal na sabi niya bago yumapos sa akin.
"Please wag ka nang umalis. Hindi ko kaya na wala ka. Please April..."
Mga salitang gusto kong marinig na sabihin niya. But we can't really get all the good things in life.
"Akala ko di na kita maaabutan e. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin kanina bago ka tumuloy dito. Di ka man lang yumakap, kaya hinabol ko na."
He cupped my face and stared right into my eyes. Hindi ko ma explain kung ano ang nakikita ko sa mga mata niya. Pinaghalong saya, lungkot, at pagkabalisa.
"Mag-iingat ka doon ah? Wag mong kalimutang tumawag pagdating mo doon. Always remember that I'll always be here for you April. Just call me if you need me. I love you... best friend."
Natanga na lang ako sa sinabi niya. Hindi mo man lang ba ako pipigilan? 'Yan ang gusto kong itanong. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Instead, I smiled and showed him I'm fine.
"Salamat." Sabi ko bago humawak sa kamay niyang nasa pisngi ko. "Ikaw rin, mag-ingat ka rito. Wala na ako para bantayan ka. Wag ka nang makipag-away, okay?" Sabi ko bago unti-unting tinanggal ang mga kamay niya. Baka kasi kapag nagtagal pa ay di ko na kayanin pang umalis.
"Opo ma'am!" Sabi nito bago sumaludo. Nagkatitigan lang kaming dalawa at walang sino man ang nagsalita. Naputol lang ito na tumawag na muli sa mga pasahero ng sasakyan kong eroplano.
"Paano ba 'yan? Una na ako? Bye Janus."
"Ayoko ng tono ng boses mo April."
Nginitian ko lang siya. Maybe Janus and I only know the meaning of what he just said. A promise we had before to never say bye or goodbye to each other. Kasi ang sabi ni Peter Pan noon, saying goodbye means going away, and going away means forgetting. Pero heto ako ngayon, nagpapaalam na sa kaniya.