Prologue: Pangatlong Mata

1.6K 28 8
                                    

♡♡♡♡ Please play the youtube video to hear a sad song while reading this part of the story ♡♡♡♡

♡♡☆☆♡♡☆☆♡♡☆☆♡♡☆☆♡♡

Naniniwala ka ba sa mga Anghel?

Ano'ng itsura nila?

Umiibig din kaya sila kagaya natin?

May babae o lalaki bang Anghel?

Pwede ba tayong makaramdam ng pag ibig sa kagaya nila?

O... pwede ba silang umibig sa isang tao?

Ito'y mga katanungan lamang sa aking isipan...

Ngunit malinaw sa aking mga mata na sila ay matatagpuan lamang kahit saan.
Kasa kasama nating mga tao.

Nakabantay. . .
Nagtatrabaho. . .
Naglalakbay. . .
Naglilingkod. . .
Nagmamasid. . .
Nanghuhusga. . .
Namimigay ng pagpapala. . .
Nagpapataw ng karma. . .
Nagbibigay hustisya. . .

At alam kong kagaya lang natin sila. . .

May damdamin. . .

Nakakadama ng saya. . .

Lungkot. . .

at galit.

Noong una, buong akala ko na kahit araw araw ko silang nakikita, imposible silang makasalamuha o makausap man lang.

Ngunit nagbago ang aking pananaw at paniniwala at nasagot ang ilan sa aking mga katanungan ng isang araw. . .

Nakilala ko s'ya. . .

******

"Malubha na naman ang kalagayan ng kapatid ko. Nitong mga nakaraang araw, palagi nang sumasakit ang kanyang ulo at ang mataas nyang lagnat ay di nawawala.

Alam kong kagagawan ito ng itim na insektong nakakagat ngayon sa kanyang leeg.

Sana man lang nakakatulong pa ang pahinga at ang basang bimpo'ng nilagay ko sa kanyang noo. Di na bumabalik sa normal ang kanyang kalagayan."

Pag aalalang sambit ni Melody sa kanyang isipan habang nakadampi ang kamay sa noo ng kapatid nyang lalaki na si Angeluz. Sa leeg nito nakikita nya rin ang isang itim na insektong nakakapit ng mahigpit habang nakakagat ang mga pangil. Ngunit wala syang kakayanang tanggalin ito ng sapilitan sa kahit anong paraan, hindi ito pangkaraniwang insekto na maaring makita ng doktor or ng normal na tao.

Sa kanyang harapan ay tanaw nya rin ang presensya ng isang espirituwal na nilalang- isang Anghel. Gayunpaman, ang lahat ng mga ito'y hindi na bago sa kanya.

"Sandali ..." Ang sambit ni Melody sa Anghel.

"alam ko'ng isa kang anghel...may kakayanan akong makita ang mga nilalang na kagaya mo"

May halong panginginig sa kanyang mga tuhod habang sinubukan nyang lumapit at kausapin ang anghel.

"kahit ngayon lang... pwede mo ba akong pakinggan at kausapin? nakikiusap ako..."

Lumingon lang ang Anghel at walang imik na nakinig sa kanyang pagsusumamo.

"kahit ngayon lang, nakikiusap ako, ilipat mo na sa akin ang itim na insekto na nasa leeg ng kapatid ko...

Isa lang syang bata... Kung ano man ang dahilan kung bakit sya may itim na insekto, malamang ay di n'ya sinasadya ang lahat ng pangyayari..."

"Please... nakikiusap ako... Ako nalang... Wag sya!" pagsusumo ni Melody sa Anghel.

Alam nyang kailanman, di ugali ng kahit na sinong anghel na kumausap sa kahit na sinong tao, kaya naman di sya lubos na umaasa na kikibuin sya ng anghel. Pawang pagbabakasakali lang ang nagtulak sa kanya upang kausapin ang anghel. Kaya naman, lubos nyang ikinagulat na sa unang pagkakataon, narinig nya ang boses at pagtugon ng isang anghel.

"Batid mo'ng isang malaking kamalasan na maaring magsanhi ng kamatayan ang maidudulot ng itim na insekto na yan sa leeg ng kapatid mo. Sa katunayan, limang araw na lamang ay babawian na sya ng buhay."

"limang araw? hindi maaari ito, tulungan mo naman ako, nakikiusap ako! anong kailangan kong gawin?" pagsusumamo nya sa anghel.

Napayuko lang ang Anghel, labag sa kalooban nya ang kausapin ito at iulat ang taning ng buhay sapagkat alam nyang mahigpit na ipinagbabawal ito. Ngunit nangibabaw sa kanya ang pagkahabag sa dalaga at sa kapatid nito.

"Ipinagtataka ko lang kung papaano mo nalaman ang mga bagay na ito at kung papaano mo nakikita ang isang anghel na kagaya ko, at ang itim na insekto" ang sagot ng anghel.

"Oo matagal ko nang nakikita ang mga kagaya mong anghel at ang mga insekto sa leeg ng tao, nakikita ko sila at alam ko kung ano ang papel na ginagampanan nila" ang sagot niya sa anghel.

"Gustuhin ko man na pagbigyan ka... subalit, humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko maaring pagbigyan ang kahilingan mo. Di ko maaaring tanggalin o ilipat sa leeg ng ibang tao ang itim na insekto. Sapagkat hindi ako ang nagpataw ng itim na karma sa kanya. Hindi ako anghel na nakatalaga sa kapatid mo"

"Ngunit sino? Sino ang anghel ng kapatid ko.. nais ko syang kausapin.. parang awa mo na, hayaan mo akong kausapin sya!"

Sa mga sandaling iyon, wala syang ibang nagawa kundi lumuhod sa harapan ng Anghel upang magsumamo.

"Alam kong imposible ang hinihiling ko... handa akong gawin kahit na ano, pagbigyan mo lang ang hinihiling ko"

"Ipagpaumanhin mo, ngunit ang tanging magagawa ko lang ay sabihin ang kinaroroonan ng anghel na may kakayanang tanggalin ang insekto sa leeg ng kapatid mo.

"SAAN? Saan ko sya matatagpuan?"

Tumahimik panandali ang anghel. May kung ano na bumabagabag sa kanya. Maya maya pay may iniabot syang papel sa dalaga.

"ano ito... isang.. mapa?"

"oo, isang mapa. Makikita mo sa mapa ang lugar na nagngangalang Harvevon, dyan namamalagi ang isa sa mga pinuno naming mga Anghel na nagngangalang Celestialla... ngunit, imposible para sa kagaya mo na mapuntahan ang lugar na iyan. Sapagkat tanging mga anghel lamang na kagaya ko ang may kakayanang makita at mapasok ang lugar na yan. Gaya nga ng sinabi ko, imposible ang hinihiling mo sa akin, at yan lang ang tanging paraan na alam ko."

"di ko alam kung paano ko matatagpuan ang inyong pinuno na si Celestialla, pero bahala na.

"Nga pala... Ang pangalan ko ay Melody, ikaw... anong pangalan mo? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Sa pagkakataong iyon, napipilitan man, laking tuwa nya nang nagpakilala ang anghel sa kanya.

"Lagaluz... Lagaluz ang pangalan ko."

"Lagaluz... Laking pasasalamat ko na binigyan mo ako ng pagkakataon na makausap ka! Pakiusap. Tulungan mo ako maligtas ang kapatid ko. Sya nalang ang mayron ako, di ko kakayaning mawala sya"

Napaluha si Melody habang patuloy na nakiusap. Isang bagay na nagpapalusaw sa dapat sanay pusong bato ni Lagaluz para sa dalaga. Nais nyang hawakan ang mga pisngi ng dalaga upang punasan ang luha nito subalit pilit nyang pinipigilan ang kanyang sarili na ipakita ang nararamdaman nya para rito.

Ilang sandali lang ang nakalipas habang silay nag uusap, dalawang anghel ang biglang nagsidatingan. Sa mga kamay nito'y may hawak silang mga kadena at posas. Bigla nilang hinuli , kinadenahan at pinosasan si Lagaluz.

"Nagkasala ka. Lumabag ka sa isa sa pinakamahigpit na ipinagbabawal na gawain sa mga anghel. Ang pagbahagi ng impormasyong di nararapat ibahagi sa iyong guardee"

Walang sabi sabi, pilit pinosasan at dinakip nila si Lagaluz sa kanyang harapan.

"SANDALI... WALA SYANG KASALANAN.. WAG NYONG HULIHIN SI LAGALUZ"

pilit mang pinakiusapan ni Melody ang mga Anghel ngunit di sila umimik sa kanya na tila ba'y wala silang naririnig.

To be continued...

*******************
Karmian Angels (c) 2013
Story and Art Character designs by: Jessie Dejaño
*******************
Credits to the following sources:
Final Fantasy VI theme song: Forever Rachel
Youtube: for the video

Karmian Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon