Ako si Katarina Gonzales Trinidad. May lahing espanyol sa panig ng aking ama habang ang ina ko ay mula sa mayamang angkan dito sa Pilipinas. Ang aking ama ay may negosyo kung kaya't lumaki akong marangya sa buhay ngunit hindi ibig sabihin na nakakamit ko ang lahat ng aking minimithi.
Pinalaki kami kasama ng aking mga kapatid na pinaghihirapan ang lahat ng bagay na gusto naming makuha. Ako, si Victoria, at si Alessandra ay lumaking responsable na may pinaninindigang prinsipyo sa buhay.
Akala ng iba na buhay prinsesa kaming tatlo ngunit ang hindi nila alam may lihim na pinakatago tago sa loob ng mansyon. Lihim na walang dapat makaalam sapagkat magtatakda iyon ng panganib sa aming buhay.
"Katarina"
Narinig ko ang boses ni Master Hitachi. Sa ngayon ay naghahasa ako ng aking galing sa konsentrasyon. Nakapiring ang aking mata at nararamdaman ko ang hangin na nagmumula sa galaw ng tao. Nandirito kami sa sekretong paraiso na matatagpuan lamang sa liblib na lugar ng mansyon. Malawak iyon at nakapwesto sa likod. Walang ibang nakakaalam sa lihim na lugar na iyon kundi ang aking pamilya lamang at si Master Hitachi na guro namin. May man-made falls kung saan pwedeng maligo. Maganda din ang pagkaka landscape at maraming puno ang nakapaligid dito para maikubli ang sekretong paraiso.
"Pakiramdaman mo ang iyong paligid. Malalaman mo ang galaw ko sa pamamagitan ng matalas na pandinig at pandama."
Naramdam ko ang malakas na hangin na papunta sa aking mukha. Maliksi kong hinarang ang kaliwang kamay ko ngunit narinig ko naman ang pitik ng isang matulis na bagay na parang hinuhugot sa lalagayan nito. Umilag ako ng umilag hanggang sa naramdam ko si Master Hitachi sa likod ko.
"Katarina hindi ka maaring umilag lamang, kelangan mo ding depensahan ang sarili mo."
Siniko ko sa sikmura si Master. Narinig ko ang kanyang pag igik subalit nahanap agad niya ang kanyang lakas. Mabilis akong humarap sa kanya. Naramdam ko ang malakas na pwersa ng kanyang pagsipa sa gilid ng aking tiyan kung kaya't nawalan ako ng balanse. Umikot ako at hinawakan ang kanyang paa at malakas na ibinalibag iyon. Narinig ko ang malakas na pagkabagsak ni Master. Ilang sandali pay narinig ko siyang magsalita.
"K-Katarina, mabilis kang matuto. Noon pa may nakita ko na ang potensyal mo bilang isang magaling na manlalaban. Pag-igihan mong mabuti iha sapagkat ikaw ang panganay. Nasa sayong kamay ang tadhana ng pamilya ninyo"
"Naiintindihan ko po Master pero pwede ko na bang tanggalin ang blindfold? Medyo nahihilo na din ako.", pagbibiro ko kay master.
Masaya ako sa pagsasanay ngayon. Nakikita ko na kasi ang matagal ko ng pinaghirapan. Mas gumagaling ako sa paglipas ng araw.
"Aba'y oo naman Katarina. Magpahinga na tayo, tara na sa taas."
Pumasok agad ako sa kwarto pagkatapos ng aming pagsasanay. Naghanda na ako para sa susunod kong schedule. Agad akong naligo at nagbihis ng pulang bestida na tenernuhan ng item na sandalyas. Nagwisik ako ng mamahaling pabango na galing pa sa Pransya habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Mababakas ang lahing espanyol sa aking mukha. Mula sa aking perpektong hugis ng mukha, sa kulay asul na mga mata at matangos na ilong malalaman mo talagang may dugo akong banyaga. Marami na ang nagtangkang manligaw saming magkakapatid ngunit sadyang mailap ang puso namin sa kanila.
Magmula pagkabata hanggang sa lumaki kaming magkakapatid hindi pa kami nakaranas na pumasok sa paaralan gaya ng ginagawa ng ibang bata. Homeschooled kami sapagkat kelangan kaming protektahan sa mga masasamang taong nakapaligid lalo na sa mga nagtatangka sa buhay ng aming pamilya. Mahirap para sakin na makita ang ina kong umiiyak para sa kaligtasan namin at ilang ulit ko na ring naririnig sila mama at papa na nag-aaway dahil sa negosyo namin.
BINABASA MO ANG
Angel's Creed
ChickLitI am Katarina Trinidad. Sobrang ganda, matalino, at mabait. Well, that's what they think I am pero may hindi sila alam. Iyon ay ang misyon ko and that's to follow a certain guy. He is a link to solve this, at gagawin ko lahat mapag tagumpayan ko lan...