Chapter One

64 0 0
                                    

     Umuulan nang hapon na iyon. Lumuluha ang kalangitan na para bang labis na nasaktan. Bahagya akong sumilip sa kulay abong mga ulap habang nakatayo sa may harapan ng mall. Sa aking likuran ay kumpulan ang mga tao na papalabas sa may gate nito. Lahat ay pawang naghihintay na tumila ang ulan, o kaya naman ay pawang nag-aabang nang masasakyan na taxi. Iniunat ko ang aking kaliwang palad upang masukat ang bawat pagragasa ng mga patak sa abo at masungit na kalangitan. Ang bawat patak ay mas lalong lumalakas na tila nagbabadya ng walang katapusang ulan sa magdamag.

     Noong una ay halos maamoy ko ang singaw at alikabok ng semento. Hindi naglaon ay banayad na ang hanging ibinubuga ng panahon na sumasabay sa bawat luha ng kalangitan.  Ang halumigmig nito ay nagbigay ng kaunting lamig na masarap sa pakiramdam. Unti-unting nagiging presko ang kapaligiran sa kabila ng mga maiingay na tambutso at maruming usok na ibinubuga ng mga sasakyan. Minabuti ko na lamang na pansamantalang dumaan sa bookstore sa may gawing kaliwang bahagi ng Madison's Place para magpalipas ng oras. Mas mainam na iyon habang nagpapatila ng ulan at marahil dahil na rin sa ang kinatatayuan ko ay unti-unti nang dinudumog ng mga papalabas na customers ng mall.

     Tumakbo ako nang matulin para hindi mabasa habang nakatakip ang aking bag sa aking ulunan. Nagpagpag ako nang bahagya at tuluyang pumasok sa de air-con na bookstore. Ramdam ko agad ang malamig na buga nito na nanunuot sa basang bahagi ng aking uniform. Pansamantala akong napatigil at nagpatingin-tingin sa kabuuan ng lugar. Nag-isip ako kung ano ang unang magandang puntahan. Dahil naroon na rin naman ako ay minabuti kong tumingin sa may Top Seller Section na bahagi ng bookstore para sa linggong iyon. Hindi naman iyon ang unang beses na napasukan ko ang lugar pero tuwing pumapasok ako ay iyon ang unang bumubungad sa aking paningin. Wala naman magandang book titles ang pumupukaw sa aking paningin kaya minabuti kong maglalakad-lakad papunta sa may book shelves.

     Abalang-abala sa pagbabasa ng mga book titles ang aking mga mata. Mula sa top sellers hanggang sa mga sumunod na hanay ng mga ito, aakalain mo'y isa akong dalubhasa o panatiko ng mga libro. Hindi ko naman masasabi na mahilig talaga akong magbasa ng libro. Sadyang pihikan lamang ako, at bilang lamang ang mga libro na nakukuha ang interes ko. Habang patuloy ako sa pagbabasa ng mga pakunti-kunting pahina para lang makakita ng librong mababasa ay napadpad ako sa may Fiction Section ng bookstore.

     "Boring! Wala naman magandang babasahin," ang tangi kong nasambit habang binabalik sa puwesto nito ang mga nakalkal na librong hawak ko.

     May biglang tumabi sa akin na binatang naka-wheelchair kaya naman napatingin ako sa kanya at napatitig. Guwapo, may halong grey at kunting asul ang singkit na mata nito. Mestiso na pakiramdam ko'y mas maputi pa sa fair complexion ko. At kissable lips na nakakaakit halikan. Napatingin din ako sa kanyang wavy at lampas baba na brown hair. Sa tantiya ko, medyo may katangkaran ito. Toned ang pangangatawan at rugged pero lutang na lutang ang sex appeal nito. Kung hindi lang dahil sa wheelchair niya ay aakalain mong artista at malamang ay siya rin ang ideal man ko. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ay titig na titig pa rin ako sa kanya.

     "Hello Miss! I'm bored. Could you recommend something great to read?" Bumungad ang maaliwalas na ngiti ng binata.

     For a while, nabighani ako ng ilang segundo. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa guwapong pigura sa aking harapan, kahit sino naman ay talagang mamamangha sa kaguwapohan ng lalaki. Bigla akong natauhan. "Well, ako nga rin naghahanap ng magandang libro."

     "Oh, you're bored too?" Tanong ulit ng binata. Patuloy pa rin ito sa pag-ngiti.

     Shems, ang mga ngiting 'yan, kausap ang aking sarili. "Yep! Kung bakit kasi ang tagal tumila ng ulan sa labas," sagot ko.

     "Bakit? Ayaw mo ba sa ulan?" Lumungkot nang bahagya ang mapupungay na mata nito. Tinatapik ng kaliwang kamay nito ang may arm rest ng kanyamg wheelchair.

Indigo PaperbackWhere stories live. Discover now