Chapter Two

41 0 0
                                    

     Alas-otso na nang umaga. Paggising ko ay hindi muna ako bumangon sa aking higaan. Iniisip ko ang nangyari kahapon. Bigla kong naalala na sabado pala ngayon, wala akong klase. Sinagot niya kaya ang sulat ko? Sa isip-isip ko. 

     Dala marahil nang nararamdaman kong kaunting kilig at excitement habang iniisip ang bagay na iyon ay napapayakap ako sa aking munting unan. Inangat ko ito at isinubsob ko ang aking mukha. Parang may pitak sa aking puso ang pagnanais na baka sakaling may sagot na si Booklover sa munting liham ko. "Arghh! Einbelle, atat lang? Parang inlababo lang? Tsk. Tsk. Calm down, girl." Pailing-iling kong tinatanong at kinukumbinsi ang aking sarili na para bang may kausap. Ewan ko ba at sadyang hindi talaga matahimik ang aking kalooban. Mabilis akong bumangon paupo sa aking higaan. "Alright, something great is going to happen today. Fighting!" Sabay taas ng aking kamao katulad ng mga napapanood ko sa mga koreanovelas.

     Sinimulan ko nang ayusin ang aking pinaghigaan. Nang matapos, "Thank you, Lord." Ito ang munti kong nasambit, sabay tayo papunta sa aking dresser. Binuksan ko ang aking bluetooth speaker, at nagpatugtog sa Spotify. Nang umagang iyon ay napagpasyahan kong bumalik sa bookstore at silipin ang libro.

     Malapit lang ang condo unit ko sa school, maging sa mall kung nasaan ang bookstore. Hindi ko na nagawang magluto ng agahan. Kaya napagpasyahan ko na kumain na lang muna sa labas. Tutal marami naman ang pwede kong makainan doon. Paglabas ay may akses ka agad sa taksi at jeepney. May mga hanay rin ng mga booths at mga tindahan mula copy printing center, canteen, bakery, pamilihan ng selpon at mga iba pang gadgets.  Salon, ukay-ukay, mga branded na damitan, 7-eleven, Starbucks at iba't-ibang kainan. Mula sa simpleng karinderya hanggang sa medyo magarbong kainan ay swak na swak, at talaga naman masasarap ang mga menyu nila. Hindi pa kasama ang mall, na naroon na halos ang lahat nang hinahanap mo.

     Dahil nasa bungad ng mall ang bookstore ay hindi ko na kailangan dumaan pa sa may main gate nito. Sa totoo lang, mas nais kong hindi na dumaan sa may main gate upang hindi na rin ako makapkapan ng mga guwardiya. Mabusisi kasi, at kailangan ko pang tanggalin ang lahat ng gamit sa purse ko. Bago ko buksan ang pintuan sa may bookstore at nagpalinga-linga muna ako sa loob nito. Kakaunti lamang ang mamimili sa loob ngayong umaga. Maaaninag kasi sa may labasan ang kabuan nito sa loob gawa ng transparent wall nito na yari sa salamin. May mangilan-ngilan na nakapirmi sa may Reading Section kung saan may mga silya at lamesang puwede mong pagpahingahan habang libre mong binabasa ang libro. Ang ilan naman ay nakapostura sa pagkakaupo sa sahig na may kulay beige na karpet. May kulay green na mahabang sofa rin ito na nagsisilbing Waiting Area naman. Nang medyo okay naman ang bilang ng tao ay pumasok na ako at agad na dumiretso sa may Fiction Category. Naramdaman kong muli ang magkahalong kaba at pananabik simula kahapon pa. Nagmistula akong bata na nanabik sa kendi.

     "Hi there! It's you again." Bati ng lalaki sa may likuran ko. Dinig na dahan-dahan nitong ginalaw paabante ang gulong ng wheelchair nito.

     Pagtingin ko ay ang pamilyar na guwapong lalaki na may ubod ng tamis ang ngiti na naka-wheelchair ang tumambad sa akin. Siya iyong lalaking nakausap ko rin dito kahapon. Ang guwapo niya talaga, sa isip-isip ko. Habang kinikilig akong pinagmamasdan ang mukha niya.

     "Hello! Regular customer here?" Pakiyeme kong naitanong.

     "Hmm.." Habang nag-iisip at hawak ng kanyang kamay ang naka-pout na labi nito. "Not sure if you can call it as a customer. Siguro regular tambay?" Sabay ngiti.

     "Ohh em gee! Parang ako rin lang pala," sang-ayon ko. "Doon sa part na regular customer ha. Siyempre bise-bisehan sa school ang lola mo." Bigla ko na lang na-explain para hindi mailang ang lalaki.

     "Saan ka ba nag-aaral?" Tanong nito.

     Napa-isip ako at nag-aalangan kung sasagutin ko. Pagtingin ko ay parang napansin nito ang ekspresyon ng mukha ko.

Indigo PaperbackWhere stories live. Discover now