Chapter 1: Senior High

142 5 0
                                    

Thunder Knives Dela Vega above there

------------------------------------



(Rain's POV)


Hindi naman yata ako nagkamali ng pinasok na school ano? Olympus high, tama naman hindi ba? Pero bakit ganito? Bakit parang mali ako ng pinasukan? hayaan na nga lang. Nakakapanibago lang kasi parang mali ako ng napasukang school, kakaiba ito sa nakasanayan ko ng mga eskwelahan.

Anyway, I am Rain Krishna Andromeda, a 1st-year Senior High school student, originally galing talaga ako sa Japan at nag-transfer lang ako dito dahil kila mom gusto kasi nila na dito na lang ako sa pilipinas mag-aral ulit para makasama nila ako, kaya sinunod ko na lang ang gusto nila.

"Pre ang ganda oh"

Dinig kong sigaw ng kung sino sa likuran ko kaya lalo kong binilisan ang paglalakad ko, kanina pa silang ganyan at hindi ako tanga para hindi malaman kung sino ang pinaguusapan nila.

"miss? Samahan ka na namin naliligaw ka ba?"

Maya maya ay harang sa akin ng lalaking hindi ko naman kilala. Nilapitan pa nila ako ng mga kasama niya kaya napaiwas agad ako sa kanila.

"No need"

Sagot ko lang sa kanila saka ko sila agad na nilampasan para iwas narin sa gulo, habang naglalakad ako sa hallway lahat ay sinasalubong ako ng tingin, ibat ibang klase ng tingin na mapapatanong ka na lang kung ano bang meron? Issue ba dito kapag may newbie?

Dumiretso na lang ako sa deans office at hindi na sila pinansin, hindi naman sila ang ipinasok ko dito. Nandito lang naman ako para mag-aral, hindi ko naman sila kaylangan na pag-aksayahan ng panahon.

"here's your schedule"

The dean said pagka-abot niya sa akin ng schedule ko, kinuha ko lang iyon saka nagpasalamat at nagpaalam, nagmamadali din kasi ako dahil first day of class ko din ngayon.

Pagkatapos ko doon sa deans office ay lumabas agad ako at tiningnan ko agad kung makakapasok pa ako sa una kong klase, and I guess ay kaya pa naman 7:30 pa lang at 8:30 pa ang una kong klase.

"oh my gee marry me!"

"ayan na sila!"

Napakunot na lang ang noo ko sa mga naghihiyawang mga babae habang nagsisimula na akong muling maglakad para makarating na sa room ko. Bigla na lang kasi silang nagsigawan at nagkumpulan at ang sakit nila sa tenga at kung mamalasin ka nga naman ay hindi na ako nakaiwas sa kanila dahil humarang na sila sa daan.

Pati tuloy ako ay naipit narin sa kanila, tsk. Agad na lang din akong umiwas saka ako tumawid sa bleachers na nasa hallway at sa damuhan na lang ako dumaan makaiwas lang sa kanila.

Uso pala ang ganyan dito sa kanila? Akala mo naman ay nasa isang pelikula sila para magka-gulo sa kung sino, mga artista ba sila? Sabagay, hindi naman imposibleng may mag-aral dito na mga sikat na personalidad dahil kilalang school din naman ito at de kalidad.

"hoy? ikaw babaeng naglalakad sa damuhan!"

Dumiretso lang ako kahit pasimple kong tinitingnan kung may iba bang naglalakad sa damuhan maliban sa akin, bullshit! Ayoko ng gulo.

"Tumigil ka!"

Patuloy na tawag ng kung sino kaya nagpalinga-linga na lang ako, ako ba talaga ang tinatawag? Kasi wala namang ibang naglalakad sa damuhan maliban sa akin.

Thunder And Rain ( A War for Love ) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon