Lucas Matthias Above there
--------------------------------------------
(Rain's POV)
"so iiwan mo na ba talaga ako doc?"
Seryoso kong tanong kay Doc na ikinatawa naman niya.
"estudyante lang ako Rain, ano ka ba?"
Saway niya sa akin na palagi niyang sinasabi.
"aba, ga-graduate ka na kaya"
Natawa lang din ako sa sinabi ko at ngumiti naman siya.
"I'll be back, call me anytime you want to, Tapos yung kasal ko wag mong kakalimutan"
Ngumiti pa siya sa akin matapos niyang sabihin iyon.
"okay, Oo naman no!"
Natatawa ko pang sagot sa kanya.
"ingat ka, call me magsumbong ka lang sa akin, we are all ears"
He pat my head and I just smile at him bago siya sumakay ng kotse niya at tuluyang umalis, uuwi muna si kuya Marco sa america dahil may aayusin lang siya tapos after ng graduation nila ni ate ganda ay ikakasal na sila, ang galing nga eh, sabi nila tulad lang namin sila ni Thunder pero sila tumagal at kami ay hindi.
"what's with the jacket, Ms. Andromeda?"
Bungad ng teacher namin sa akin pagpasok ko, siya yung teacher na nagpa-activity na my tatlong tanong langya.
"Do I really need to answer that?"
Balik tanong ko saka ako naupo at kinuha ang phone ko, may message pala pareho si kuya Marco at si ate Bella, ang pogi at ganda kaya nila ang cute nila nakakakilig pa. Kinikilig ako sa kanila ang bait bait din nila pareho, they used to call each other ganda and gwapo galing no?
"ngingiti ka na lang ba ms Andromeda?"
Itinago ko na ang phone ko saka nakinig, napakagat labi pa ko gusto ko kasing tumawa. Pero nakakalungkot wala na kong kakampi, si kuya Marco lang ang kakampi ko eh. He even refer me to his mom na doctor sabi ni tita dumadaan daw ako sa matinding stress at depression kaya daw yung paglabas ko kasama nung soon to be husband and wife ay nakakatulong ng malaki. Exhausted na daw ako sa maraming bagay, ang babait kaya ng pamilya nila, pano na kaya ako ngayun?
After class im here in the library again, this time I am finding books na babasahin kasi natapos ko ng basahin yung isa kong libro. Natapat ako sa part na may nagha-hagikgikan kaya napakunot ang noo ko, paghila ko ng isang libro ay nakita ko si Thunder, malamang he's with Scarlet. Ibinalik ko na ang libro at umikot sa may shelf kung san naroroon sila Thunder.
"miss tabi ---
Napatingala ako, shit? Yung shelf, napayuko na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin.
"Rain?"
Naramdaman ko na lang din na may yumakap sa akin at bumagsak kami, tapos hindi ko na alam.
BINABASA MO ANG
Thunder And Rain ( A War for Love ) - Completed
Teen FictionLahat ay nahuhumaling sa kanya. Siya lang ng kaisa-isang babaeng hindi nahumaling sa akin. Sanay din siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya. Siya lang ang kaisa-isang babaeng hindi ko makuha. Mahilig siya palagi sa gulo. Tahimik lang siya palagi. P...