Chapter 0

3 0 0
                                    



Tuscany, Italy

"Dazzling!" Pumalakpak ang stylist ni Emerald. Siya naman tumingin sa salamin si Emerald. "..ah..", napangiti siya sa nakita. Bagay na bagay sakaniya ang damit na pinili para sakaniya. She nodded in satisfaction. Proud namang inalalayan ng stylist si Emerald palabas ng fitting room.

Isa-isang nagsitayuan ang mga bodyguard ni Emerald. Napanganga sila sa ganda ng amo at namangha. "Bella!" Nasabi ng isa. "Sí." Sila'y namang nagsitanguan. Napangiti si Emerald sa reaksiyon ng mga kasama. Nauna ng nag-lakad palabas si Emerald. Sumunod naman ang mga bodyguards at ipinagbuksan ng pinto. Sumakay na sa sasakyan si Emerald, may isinulat siya sa papel, "The Giovannis". Tumango na ang drayber at pinaandar ang kotse.

Nakatuon lamang ang pansin ni Emerald sa labas. Trapik at mainggay parin ang ciudad ng Florence. Alasiyete na ng gabi, ngunit papalubog palamang ang araw. Nasa gitna parin ng tag-init ang Italia kaya naman parin ang panahon at maaraw. Nadaanan nila ang Piazza del Campo na nalilibutan ng turista.

-//-

"Ciao, Bella"

"Ciao, Madame"

"Sei incantevole!" Ito and bumungad kay Emerald pag-pasok niya sa bahay ng mga Giovanni. Nag-imbita ang Head ng Giovanni, si Antonio para ipagdiwang ang kaarawan ng apo nito. At siyempre, iba ang piyestahan ng mga mayayaman. Ang mga business partners at aristocrats lamang ang imbitado. Magagara at galante ang mga kasuotan. Maliwanag at makinang na ilaw. Klasikong orchestra sa gitna tapat ng fountain. Mga kagamitang ginto at diyamante. Ito ang mundo ng mayayaman, ang mundo ni Emerald.

Panay lamang ang ngiti at tango ni Emerald sa ibang bisita at hinanap ang birthday celebrant. Nandoon ang maliit na bata nag-lalaro mag-isa sa gilid ng hardin. Tumungo at nginitian lamang ni Emerald ang mga negosyante at pinuntahan ang maliit na bata.

Busy ito sa pag-lalaro kaya naman kinalabit niya ang balikat ng bata. Siya namang tumingin ang bata na si Carlo. Dinumog niya ito ng mahigpit na yakap at siya namang tinugon ni Emerald. "Where's my gift?" Tanong ni Carlo kay Emerald na tila walang dalang regalo. Tinaas niya ang hintuturo na nag-sasabing mag-hintay. May inilabas siyang papel mula sa clutch nito at ibinigay kay Carlo. "Treasure hunt!" Tumayo at pinagpag ang damit bago tumakbo papasok ang bata. Napailing na lamang si Emerald at sinundan si Carlo bago siya tawagin ng Signore.

"Emerald!" Tinawag siya ni Signore Lucas. Signore Lucas! Sabi ni Emerald sa isipan niya at nginitian ang ginoo. Siya namang nag-beso beso ang dalawa. "Ti ho pensato tutto il giorno!" Ani ni Lucas kay Emerald. Napahagikhik si Emerald sa sabi ni Lucas. "Hai dei bellissimi occhi.." Mahinang bulong ni Lucas at tinitigan lamang ang dalaga sa mata. Ibinalik ni Emerald ang titig kay Lucas, nanatili lang silang magkaharap tila ba parang silang dalawa lang ang naroroon.

If only you weren't a Cresci. Sabi ni Emerald sa isipan, they would have been perfect for each other. Guapo at matipuno. Signore Lucas is self-made, dahil narin sa determinasiyon nito ay naabot niya ang titulo na CFO sa edad lamang ng 29. Ayun lamang, isa siyang Cresci at si Emerald naman ay Colizzi. Masiyadong malinis ang mga Cresci, or so she thought. 

"AAAAAH!"

"Aiuti!" 

Sunod-sunod na sigawan malapit sa banquet table. Nag-unaunahan namang nag-kumpol kumpol ang mga bisita sa eksena. Nanguna si Signore Lucas sa pag-lalakad habang tahimik na sumunod ang dalaga. Nakisiksik silang dalawa para makita ang nangyayari. "Hah.." napasinghap si Emerald at napahawak sa braso ni Signore Lucas. 

Walang malay na Signore Giovanni ang nakahalata sa lupa habang nakatitig lang ang lahat. Is no one going to call the ambulance?  isip ni Emerald kaya tinapik-tapik niya ang balikat ni Lucas para maagaw ang atensyon nito. Ng tumingin si Lucas ay saka naman sumeniyas ang dalaga. Nag-thumbs up ito sa kanan na kamay at nilagay sa kaliwa niyang palad. Help. Tila hindi maintindihan ng binata ang ibig-sabihin ng dalaga kaya naman nilabas niya ang telepono mula sa clutch at tinuro ito. 

Doon lamang nakuha ni Lucas ang ibig-sabihin at dali-daling nilabas ang sariling telepono bago tumawag ng tulong. Nagkakagulo parin ang mga bisita, ang iba ay histerikong sumisigaw habang ang iba ay umiiyak at nag-tataka kung ano ang nangyayari. 


Lumisan si Emerald sa eksena at pumasok sa loob ng mansiyon ng Giovanni. Nilibot niya ang paningin at dumeretso patungo sa kusina sa likod ng Mansiyon. Walang nakabantay, walang tao. Pumasok siya sa loob at nasilayan ang isang matipunong lalaking nakaitim na shirt at slacks. A server? Tinaasan niya ito ng kilay at nilapitan. May backpack ito sa likod at namamawis, tila nag-mamadali. Napansin niya si Emerald at hinarap ito. "What are you doing here, Signorina?" alertong sambit nito. Umiling naman ang dalaga at sumenyas. American. Who are you? 

Naintindihan ng lalaki ang seniyas ni Emerald. "I'm a cook here for today." sagot ng lalaki, "but unfortunately, I have to go." Sabi niya bago tumalikod. Mag-uumpisa na sana itong mag-lakad ng hinablot ni Emerald ang braso nito.

Binalingan siya ng lalaki, "What do you want, Signorina?" tanong nito na tila natataranta. Hindi sumagot ang dalaga at kinaladkad lamang ang lalaki habang hawak parin ang braso. Hinila niya ito palabas ng kusina at bumaba papuntang basement. 

Pumasok sila sa isang kuwarto doon, laundry room. "What is it?" nag-tatakang tanong ng lalaki. Binitawan na ni Emerald ang lalaki pero hindi parin niya ito sinasagot. Nilibot niya ang paningin at lumapit sa isang washing machine.

"What are you doing?" tanong ng lalaki pero hindi parin siya sinasagot ni Emerald.

Tinanggal niya ang sapatos at tinulak ang washing machine sa gilid. May butas ang pader kung nasaan ang washing machine kanina. Pinulot niya ang clutch at nilabas ang eyepencil nito at tissue paper, may isinulat siya. Isang mapa kung saan tutungo ang butas. If I remember correctly, this isle should lead to the station. Sabi nito sa sarili at inabot ang tissue paper sa binata at iginawi niya ito sa butas. 

Hindi nag-salita ang binata pero tinanggap parin ang tissue galing kay Emerald, saka niya ito tinignan. Ibinalik niya ang tingin sa dalaga. Mapa. Mapa kung nasaan ang embahada ng estados unidos at saka stasiyon ng tren. "Thank you." sabi ng binata at lumusot sa butas, nag-simula siyang gumapang habang hawak nito ang cellphone. 

Nilibot ni Emerald ang paningin sa laundry room at sumilip sa labas. Nagkakaguluhan parin sila ngunit dumating na ang ambulansya at mga pulis. Dali-dali niya namang tinulak pabalik ang washing machine at tuluyan ng naharangan ang butas. Pinagpag niya ang damit, inayos anf sarili't isinuot muli ang sapatos bago siya lumabas.

"Emerald! Where have you been!?" tarantang sambit ni Lucas kay Emerald. Siya namang tumulo ang mga luha ng dalaga at sumandal sa binata. "What happened?" mas lalong nataranta ang Signore at inalalayan si Emerald. "Aah..ha.." itinuro niya ang kusina at saka humagulhol muli. "The kitchen?" tanong ni Lucas at siya namang tumango pabalik. 

"POLIZIA!" sigaw ni Lucas at itinuro ang kusina sa loob. Sunod-sunod namang nag-takbuhan ang mga pulis papasok at siya namang may umalalay kay Emerald. Tuloy parin ito sa paghikbi at iyak. Tumingin siya sa gawi ng kusina at palihim na ngumisi.


Just like that, Emerald. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon