Nyro's POV
"Okay. class dismissed." damn, makakauwi na rin. Agad agad akong naglakad palabas ng Campus, at naghintay ng Jeep. I put on my earphones and play some music, sakto namang may dadaan ng jeep kaya pumara ako then sumakay. Agad kong ini-abot ang bayad at pumikit.
"Walang gagalaw! Holdap to!" eh? bat ganito panaginip ko?
"AAAAAAAAHHHHH!!!" inis na tinanggal ko ang earphones ko at iminulat ang mga mata dahil kahit malakas ang earphone ko ay halos mabingi ako sa tili ng katabi kong babae.
"fuck ang inga-" tss. totoong nahoholdap pala kami.
I sigh and start observing the people inside this jeep. Yung baby ay walang tigil ang iyak, marahil nagising sa tili ng babae, may mga nagdadasal at may napapamura nalang sa nangyayari.
May apat na pasahero sa katapat kong upuan at anim naman sa gawi ko. I looked at those monkeys na nanghoholdap sa amin. They're 3, yung isa katabi ng driver sa front seat na ihihinto sana ang jeep pero agad nitong tinutukan ng kutsilyo sa leeg ang driver.
"Wag na wag kang hihinto hanggat hindi ko sinasabe! naiintindihan mo?!" nanginginig na napatango nalang si manong driver.
Yung isa naman na halos katapat ko lang ay may hawak din na kutsilyo at palipat lipat nya itong itinututok sa amin. Yung isa naman ay nakaupo sa gawi ko na may tatlong tao ang agwat mula sa akin at may hawak din na kutsilyo. Pare-parehas silang naka all black at pare parehong mga MUKHANG ADIK.
tss. tibay. buti't hindi pa natotokhang ang mga to. kung tutuusin ay pwede naman akong tumakas na dahil katabi ko lang bukana ng jeep na'to.
"Ibigay nyo na sa amin ang mga gamit nyo kung gusto nyo pang mabuhay!!" Agad namang kumilos ang mga pasahero at binigay ang lahat ng gamit nila habang nanginginig sa takot.
"Hoy! ikaw chicks! hindi porket maganda ka ay papalagpasin kita! akin na yang bag mo!" sigaw nung lalaking katapat ko lang, sa tingnin ko ay ako ang tinutukoy niya dahil hindi ko binigay sa kanila yung bag ko. Tinapunan ko lang ito ng nakakawalang ganang tingin
"Why would I?" sabi ko. at nabasa ko sa mukha niya na hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.
"Baliw ka ba? Ibigay mo na kung ayaw mo pang mamatay!" sigaw ng babae sa akin. Agad naman syang sinita ng boyfriend nya ata na wag ng makialam. tss.
"I won't. I don't bless bastards" i said at binantaan ng tingin ang holdaper na katapat ko lang, tss.
3RD PERSON POV
"Aba palaban tong neneng na to ah!" humugot ng baril ang holdaper at itinutok ang baril kay Nyro.
