Kasi Naman! (One Shot)

50 3 0
                                    

"AJ ikaw na kasi"

"Ee bakit ba kasi ako? Pwede naman na kayo na lang"

"Eh kasi kilala mo sya saka naging mag classmate kayo nung elementary"

Hay kinukilit ako ng mga kaibigan ko na sina Ailee at Sasha na ako ang mag tanong kung may ka date na ba si Josh sa darating na prom. Nakakahiya itong pinapagawa nila sakin. Ang pangit kasi tignan na babae pa ang nagtatanong diba?

Si Josh o John Joshua Alvarez ay sikat sa school, bukod kasi sa gwapo na sya eh matalino pa, varsity pa ng school kasi basketball player sya na kinadagdag pa ng kasikatan nya.

Marami nag kaka-crush sa kanya at isa na ako dun. Hinahangaan ko na sya since elementary pa lang kami. Ngayon ako pa ang pinapalapit nila Hay.

"Go na bhess" Si Sasha naman yung nagsabi kasabay pa nun yung mahinang tulak sapat lang para mapalakad ako papalapit kay Josh. Napansin naman yun ni Josh.

Napatingin sya sakin. Nakasalamin sya pero bagay sa kanya na lalong nag pacute sa itsura nya. Nagbabasa kasi sya ng book. Kaya lalong tumalino ee. Hindi na ako mag tataka kung sya ang valedictorian ng batch namin.

"Ah... Hi..." Naiilang na bati ko sa kanya.

"Ikaw pala AJ" Natatandaan pa pala nya ang name ko. Hindi kasi kami mag classmate ngayong high school. Nasa Pilot section sya. Ako eh pang average lang.

"Bakit AJ? May kailangan ka ba?"

"Ha? Ah ano kasi..." Bahagya akong tumingin sa dalawa kong kaibigan na nagtatago. Nag sasign sila na itanong ko na kay Josh yung pinapatanong nila. Actually gusto ko din malaman kasi kahit papaano eh nangangarap din ako na ako ang maging date nya sa prom.

"Ah... Itatanong ko lang kasi sana kung may partner ka na.. sa.. prom.. ah.. ano kasi pina.. pina..patanong.. nung mga.. kaibigan ko.."

Medyo nagulat sya sa tinanong ko. Kahit naman kasi kanginong lalaki ako mag tanong ng ganun magugulat kasi babae pa nag tatanong nun, lumalabas tuloy na niyayaya ko syang ako ang maging partner. >////<

Lumingon sya sa likuran nya, napansin nya siguro na kangina pa ako tumitingin dun, siguro nahalata at napansin na nya yung dalawang nagtatago sa gilid ng halaman.

"Sila ba nag papatanong?"

"Ah.. hehe Oo, nakita mo pala sila, sensya na sa tanong ha"

"Ok lang yun AJ kaw talaga parang iba ka naman, actually wala pa pero meron na akong balak yayain kaso hindi ko alam kung meron na ba syang ka partner" Aw... Meron na pala syang binabalak na ayain </3 Sino kaya yung maswerteng babae na yun. Siguro Maganda at sikat din sya gaya nya.

Maya-maya pa ay may tumawag na kay Josh. Sabay pa kaming napalingon sa tumawag.

"Josh!"

Si Amber pala. Ang leader ng cheering squad ng school. Maganda na sexy, matalino, mabait pa, Kaya sikat din sya sa school. Sya siguro yung sinasabi ni Josh na gusto nya ayain. Lumapit na sya samin.

"Hibahanap mo daw ako kangina? Ano pala sasabihin mo?"

"Ah.." Napatingin naman si Josh sakin pati na din si Amber.

"Hi.. Diba ikaw si AJ?" Bati sakin ni Amber

"Ah hello.. Oo, nice to meet you, Sige mauna na ako sa inyong dalawa may gagawin pa kasi ako"

Nag smile lang sakin si Amber, ang ganda nya talaga. Si Josh naman napansin ko na tinanggal na yung salamin. Aayain na nya siguro si Amber.

Nang makalayo na ako nilapitan naman ako nina Ailee at Sasha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kasi Naman! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon