Hashi no Ai (Bridge of Love)

99 0 0
                                    

^___^ hai po!!! first time ko pong mag post ng kwento na ginagawa ko.. actually, hindi pa po ito tapos ehh. sana magustuhan ninyo...thank you!!!

Music made me to know him better not knowingly that I couldn't be better without him. I used to live a life that is far from what I wanted to be, but then he came and changed everything.

CHAPTER ONE 

(THE ENCOUNTER) 

"ANG AGA-AGA NAMAN, INAANTOK PA AKO!" Ito ang palaging naririnig sa kabahayan ng mga Aoi tuwing umaga. Sanay na sila sa ganito dahil si Clark, ang antukin na anak ng may-ari ng bahay, ay talagang mareklamo pagdating sa paraan ng kanyang paggising. Ayaw na ayaw kasi niya ng nasisigawan o kaya nagigising dahil sa maiingay na bagay. 

Bumaba siya mula sa attic dahil doon ang kanyang kwarto. Dumiretso siya sa kusina para magmumog at ang kanyang tatlong pinsan, sina Reston, Zeke at Zark, ay nakapagayos na ng kanilang mga gamit. Lunes ngayon at siguradong late na naman sila dahil kay Clark. 

"Ano bang araw ngayon at ang aga-aga niyong gumising?" ang tanong niya habang kumakain ng toasted bread. 

"Hindi ka lang antukin Clark, ulyanin ka pa." ang sabi ni Zeke. "Lunes ngayon, late na tayo, at sa kasamaang palad may meeting pa ang student officers at isa ka na doon." 

"Seryoso?" ang tanong uli niya. 

Si Reston na ang sumagot sa tanong ni Clark, "Oo pinsan, seryoso si Zeke kaya maligo ka na dahil nangangamoy ka na. At bilisan mo dahil baka mamaya maabutan pa tayo ng papa mo. Ayoko ng sermon mula sa kanya." 

Tumayo si Clark mula sa kinauupuan niya at dumiretso siya sa banyo para maligo. Ganito na lang ang palaging nangyayari sa pagitan nila ni Reston. Sa katunayan, galit na si Reston sa kalagayang iyon pero hindi niya kayang pagtaasan ng boses si Clark. Wala namang kibo ang kambal. 

"Ayos lang ba 'yung ginawa ko sa kanya? Mukhang nasaktan ko ata 'yung ego niya." Ang sabi ni Reston sa magkapatid. Hindi nila ito pinansin at lumabas na sila sa bahay. Naghihintay na ang kanilang service at mabuti na lang, tapos na si Clark sa pagligo kaya wala nang problema. Mabilis naman siyang magbihis at mabilis namang magmaneho ang driver nila. 

Magiging maganda ang araw na ito para kay Aoi Shiroku, isang half-japanese at half-pilipino na estudyante sa Royal University. Ito ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya at pagdating ng tamang panahon, siya ang magmamana nito. Kasama niyang nag-aaral dito ang tatlo niyang pinsan sa mother-side. 

Si Shiroku a.k.a Clark ay ang Student council Auditor. Iginagalang siya ng lahat dahil bukod sa siya ang anak ng founder ng university, malakas din ang dating niya sa mga babae, matalino rin siya at siya ang leader ng isa sa pinakasikat na banda na kung tawagin ay "Sophisticated Seven" . 

Siya ang gumagawa ng mga bagong rules sa kanilang school. Seryoso siya sa mga desisiyong ginagawa niya para sa ikabubuti ng campus nila. May karapatan siyang pakialaman ang mga teachers pero hindi ibig sabihin nun ay aabusuhin na niya ang mga privileges na binibigay sa kanya. Hindi niya ginagamit ang impluwensiya ng papa niya dahil ang mga estudyante na ang kusang gumagalang sa kanya. Kung may isa mang bumastos sa kanya o sa mga kasamahan niya sa banda, doon na niya painapairal ang pagiging istrikto at suplado niya. 

Si Clark ay talagang suplado sa totoong buhay. Kapag wala siya sa kanilang office, isang lugar lang ang pwedeng paghanapan sa kanya. Ang tambayan niya ay ang greenhouse garden sa likod ng gymnasium ng school nila. Doon rin siya nagko-compose ng mga kanta at sa katunayan ay siya ang lead vocalist ng kanilang banda. Maraming humahanga sa kanya pero sa kasamaang palad, wala siyang interes sa mga babae ngayon. Walang nakakaalam ng rason kung bakit at wala silang planong alamin dahil magagalit lang siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashi no Ai (Bridge of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon