Pagkarating na pagkarating nila Anika sa France ay dumiretso na sila kaagad sa ospital para mapagamot ang anak. Ilang araw pa lamang silang nakakaalis ng France pero nalulumbay na si Anika sa Pilipinas o nalulumbay siya sa taong iniwanan niya.
"Mama, bakit ka sad?" tanong ng anak habang hawak nito ang isang remote control. Sinagot na lamang niya ito ng hindi siya malungkot. Sa totoo lamang ay malungkot nga siya dahil iniwan niya ang kalahati ng puso niya sa Pilipinas pero kahit na ganoon ay mas pipiliin niya ang anak niya.
Mas lalo siyang napanghinaan ng loob ng malaman niyang ang taong tinitibok ng kanyang puso ay isang prinsipe ng France, na dapat ay nakatakdang ikasal dahil raw may nabuntis ito.
Tinatakasan kaya ni Dmitri ang tungkulin niya sa bata?
Napalingon si Anika sa pinutan ng bumukas iyon at laking gulat niya kung sino ang naroon.
"Tito Dach!" Narinig niyang sigaw ng anak at saka niyakap naman ni Dmitri ang kanyang anak. Naiiyak siya dahil hindi lang pala siya ang nangungulila sa binata pati na rin ang kanyang anak.
"Tito Dach, anong ginagawa mo dito sa France?" tanong ng anak sa lalaki.
"Inayos ko kasi yung iniwan kong issue dito." Sinagot naman ni Dmitri ang tanong.
"Aling issue, yung may baby ka na raw?" tanong ulit naman ng anak at tumango ang binata. "Oo Dande. Hindi naman kasi totoo yun. Walang akong anak, gusto ko nga ikaw ang baby ko, eh!"
Tumili naman ang anak ni Anika na nagpamulat sa kanya sa wisyo.
"Baby, no!" Suway niya sa bata. Lumingon naman ang anak niya. " Bakit naman mama?"
"Kasi bad."
"Mama ayaw mo yun dalawa na tatay ko? Nakausap ko kagabi si papa ang sabi niya dadalaw daw dito bukas yung mga kapatid ko gusto raw nila akong makita."
Tumango naman siya dahil sinabi na sakanya ni Eos ang pagdalaw ng mga kapatid ng anak niya. She could see how Eos loves his kids pero ayaw niyang ibigay ang anak sa kanya. Mahihirapan siya.
"Anika, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong naman ni Dmitri sa kanya. Tumango naman si Anika at saka punapunta siya sa labas ng kwarto at ginayak niya ito papunta sa cafeteria. Pagkaupong-pagkaupo nilang dalawa ay hinawakan kaagad ni Dmitri ang kamay niya.
"Mahal kita, Anika." Biglang sabi ni Dmitri.
"May anak ako." Iyon ang biglang bukang bibig niya.
"So? I don't care. Napamahal na rin naman sa akin ang anak mo. Papagalingin ko siya, aalagaan at mamahalin. Hindi mo kailangang mag-isa mong gagawin ito."
"Ayaw kong kunin ni Eos ang anak ko." Napaiyak na si Anika sa hindi niya alam na dahilan.
"Eos, told me na mahal niya ang anak niyo. All of his kids love to see Dandelle, love to be with Dandelle. I told him na hindi ka papayag kaya sabi niya gagawin daw niya lahat ng gusto mo basta makasama ang anak niya kahit panandaliian man lang."
"Anong ibig mong sabihin?" Biglang bulalas ni Anika. Hindi siya makapaniwala na nakipag-usap si Eos kay Dmitri.
"Every school break, Christmas break sayo ang anak mo. Tapos tuwing birthday mo, birthday niya isang linggong na saiyo ang anak mo. Higit sa lahat, Dandelle will be with him until she turns legal age pagtapos noon ay ibabalik na niya ang anak mo sayo."
"Hindi laruan ang anak ko." Bulong niyang sabi.
"Alam ko pero hindi mo ba naiisip na Eos Silvermist is the best cardiologist in the country? Mas matututukan niya ang anak niyo. Panigurado akong aalagaan siya ng tatay niya." Pagkukumbinsi ni Dmitri kay Anika. Hinawakan ni Dmitri ang kamay ni Anika at saka hinalikan iyon. "Kaya kong ipagamot si Dandelle para gumaling siya pero si Eos kaya niyang pagalingin ang anak niyo."
"Alam kong natatakot ka pero huwag kang matakot kapag hindi ginawa ni Eos ang sinabi niya ako ang makakaharap niya." Sabi ni Dmitri.
Walang sabi-sabi ay napayakap na lamang si Anika sa lalaking nagpapatibok na ng kanyang puso. Sa ginawa ng binata ay lalo niyang minahal ito.
Anika suddenly knows what to do.
--
Hindi ko alam kung bakit ang tagal-tagal ko itong i-update.
BINABASA MO ANG
Cryzel's Cafe: The Bachelor's Lover
RomanceRated: R18 | SPG Cryzel's Cafe Series 2 Cryzel's Café is a very well-known coffee shop that offers a very unique taste of coffee and also it give very radiant feelings to every customer that surely you will come back to the said coffee shop. This co...