TBYH 1

33 7 0
                                    

Napahinga ako ng malalim habang hawak ng kanang kamay ko ng mahigpit ang bag na dala ko na naglalaman ng isang bagay na alam kong magugustuhan nya. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harapan ng locker room ng boys katatapos lang kasi ngayon ng practice nila ng Soccer, he's the best soccer player of our University simula nung napasok sya sa Soccer team sunod'sunod na pagkapanalo kaya spoiled yun sa coach nila.

Napaderetso ako ng tayo ng makita kong bumukas ang pinto ng locker room kung saan andun si Lance. Nakita kong lumabas ang ilan sa mga kasamahan nya sa team at binati ako, kilalang kilala na nila ako madalas kasi akong sumama sa bonding ng soccer team at lagi akong nanonood ng laro nila. Hindi nagtagal at nakita kong lumabas ang inaantay ko habang masayang tumatawa kasama sina Xer at Charles.

Oh hi Juvel - bati sakin ni Charles habang nginitian naman ako ni Xer.

Tol una na kami ha, bukas na lang let(paalam nila kay Lance)

Bye Juvel(baling nila sakin saka naglakad palayo samin)

Ayos ka lang ba kanina? - tanung ko ng makalapit ito sakin at nagsabay na kami ng lakad palayo sa lugar na yun.

Ayos lang ako hindi ka na nasanay, alam mo naman hindi maiiwasan ang aksidente sa laro - nakangiting sagot nya sakin.

Nga pala - tumigil ako paglalakad at humarap sa kanya dahilan para mapatigil din sya at humarap sakin na tila may isang malaking tanong sa mukha. Tinanggal ko ang pagkakasakbit ng bagpack na dala ko para makuha ang nasa loob nito.

Happy Birthday Tseb!!!!! - masayang bati ko kasabay ng pagabot ko ng isang bola ng Soccer, nakita ko ang unti'unting paglapad ng ngiti nya ng makita ito. Inabot nya ito kasabay ng pagyakap sakin.

Salamat tseb! - kumalas sya sa yakap saka hinalikan ang noo ko, isa yun sa gestures nya na gustong'gusto ko.

Welcome! - Nakangiting sagot ko sa kanya, niyaya nya ako sa cafeteria kakain daw kami natural libre nya birthday eh.

We've known each other since highschool, we're in the same circle of friends that time pero kami ang mas nag'bond to the point na kami na lang nag'survive sa barkada it's not that watak'watak na kami pero nagkahiwa'hiwalay lang ng landas...wait a minute parehas lang din yun.

Bumalik ang utak ko sa kasalukuyan ng makabalik na ito sa harap ko bitbit ang mga pagkain inorder namin.

So hows your day? - he asked, uminom muna ako ng apple juice bago ko sya sinagot.

Just fine, sakit lang sa ulo mga quizes ngayon - busangot kong reklamo tumawa ito bago uminom.

Kelan ba dadating ang panahon na hindi ka magrereklamo about school works? - he said teasingly. I rolled my eyes on what he said.

Palibhasa, excuse ka everytime na may practice kayo kaya hindi mo alam nararamdaman ko - totoo naman eh tuwing may practice lagi syang excuse minsan nga hindi na sya nagtatake ng quizes lalo na kapag fan nya ang isang prof. ipapanalo lang nya ang laro then boom may instant grade na sya sa quizes or graded recitation. They're so unfair tsk

Woah! Ano magagawa ko kung ganun ginagawa ng mga prof and besides matalino naman talaga ako ah, papasa ako kahit wala ang soccer. - at proud pa ang mokong, pero wala eh totoo sinasabi nya he can pass and get a high score without the help of the Soccer team.

So do you have any plan today since it's your birthday? - nakita kong napatigil sya sandali at nag'isip.

Well sa ngayon may usapan kami mamaya ni Yui, dinner date - sagot nya habang may malaking ngiti sa labi.

Torn between You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon