Fangirl Heartbreaks

313 7 8
                                    

" WAAAAAHHHH!!! GIRL! GIRL! OH MY GOSH! HINDI KA MANINIWALA SA IBABALITA KO SA IYO!! OH MY GOSH GRABE TALAGA" malalakas na tili ang narinig ko mula sa bestfriend ko habang mabilis itong tumatakbo patungo sa upuan ko. Sobrang lapad ng ngit niya. Pwede ko na ngang mabilang kung ilan ang mga ngipin niya.

" oh di huwag mo na sabihin sa kin hindi rin naman pala ako maniniwala. TSAKA KAILANGAN TALAGANG NAKACAPSLOCK?" saad ko habang inaayos ang mga gamit ko sa desk at hindi tumitingin sa kanya.

" Ang mean mo talaga. tsaka kailangan talaga yun #CAPSLOCKPARAINTENSE. " sagot niya sa kin.

" oh ano na ba kasi yung sasabihin mo para hindi na kita makita pa." matamlay kong sagot.

Hinila niya ako patayo. hinawakan niya ang dalawang balikat ko.

"Girl! Kinonfirm na ng SM Entertainment ang concert dito ng EXO!" matinis ang boses niyang sigaw. Niyugyog niya pa ako para mastress ang effect.

"Ha? eh kinonfirm lang naman pala ng SM entertainment ang concert dito ng EXO- ANO? MATUTULOY NA ANG CONCERT DITO NG EXO??!!" sigaw ko at hinawakan na rin sa balikat si Channie-ang bestfriend ko.

" Ay girl bingi lang? kakasabi lang di ba?" sarkastikong sagot ni Channie. Binatukan siya. Ano ba naman yan kawala ng momentum.

" Ano ba naman yan girl ang mga endangered brain cells ko magiging critically endangered niyan eh." pagrereklamo niya.

Hindi ko pinansin ang naging komento niya at tinanggal ko ang mga kamay niya sa mga balikat ko at hinawakan ko ito.

" Pero girl di nga? Di mo ako jinojoke? Baka jinojongdae mo lang ako. Masasapak talaga kita." pagbabanta ko sa kanya.

"Grabe ka girl. Ganyan ba ang tingin mo sa kin? Totoo ito Girl! Pupunta dito ang labidabs nating EXO!!"

Magkahawak-kamay kaming nagtititili sa loob ng classroom. Buti breaktime kaya kahit papaano uunti lang ang tao dito. Binigyan lang kami ng mga kaklase namin ng weird na tingin. Sanay na kasi sila sa min. Ganto talaga kami kapag kpop yung pinag-uusapan. Napailing na lang sila sa sigaw namin.

" hoy ano problema nung mga yun?" tanong ng isang kaklase namin.

" The usual" sagot ng kaklase namin at nagkibit balikat na lamang.

" Ahhh... EXO.."

Alam kong OA pero napaiyak talaga kaming dalawa ni Channie.

" Nasa masaya na siyang lugar...Hindi siya malilimutan ng mga taong nagmamahal sa kanya...Magsiyuko tayo at ipagdasal ang kanyang kaluluwa." pagentrada ng isang kaklase naming lalaki si Gelo. Inakbayan niya kami tapos tinapik-tapik niya yung mga balikat namin.

" hoy anong pinagsasabi mo? Hindi kami namatayan noh." sabi ni Channie habang tinatanggal ang kamay ni Gelo sa balikat niya.

"ha? bakit kayo umiiyak diyan na para kayong namatayan...Last time na ganyan kayo kasi namatay yung Hamster ni Mae." naguguluhang tanong niya.

" Shogiwa." malakas na sagot ni Allen sa tanong ni gelo. Kinanta niya ito sa tono ng part ni Chanyeol sa kanta ng EXO na Wolf kung saan ang sinabi niya talaga ay Chogiwa danbeone nukkyeo.

"Ah yung mga bakla." saad niya at nagsimula ng maglakad palayo matapos kaming bigyan ng huling tapik sa balikat.

"Hoy! hindi ah!" pagtatanggol ko. binato ko siya ng notebook at natatwang inilagan niya naman ito.

"Mukha ka nang baliw..Umiiyak ng dahil sa isang kpop group." saad ko kay Channie at pinunasan ang mga luha niya.

"Ikaw din naman eh. Tears of joy lang ito. Hindi kasi ako nakapunta nung DKFC tapos ngayon nakapag-ipon na ako kaya siguradong hindi na ako #teambahay." sagot niya at pinunasan din ang luha ko.

Fangirl HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon