Prologue

19 1 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Songs, Places, Events and Incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to Actual Persons, Living or Dead, or Actual Events is PURELY COINCIDENTAL.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

[No One's POV]

Location:
Chanlim Palace, South Korea

Dilgeon Quarters

Prince & Princess Quarters■

Napakatahimik ng paligid. Ngunit isang grupo ng mga lalaking may takip sa mukha ang mangugulo.

Isa lamang ang Misyon nila. Misyong patayin ang mga tagapagmana ng Royal Family. Sina Prinsesa Armea at Prinsipe Razeil. Hinihintay na lamang nila ang hudyat ng kanilang pinuno.

Nang magbigay na ng hudyat ang kanilang pinuno ay agad silang kumilos ng napaka-ingat na kahit kunting ingay ay walang maririnig. Ngunit agad din silang napahinto ng makita na may di baba sa sampung kawal na gwardiya ang nagbabantay sa kwartong kanilang pupuntahan.

Agad silang kumilos ng hindi napapansin ng mga gwardiya. Nagtago sila sa dilim at dahan-dahang lumapit sa mga ito.

"Urgh."- yan na lamang ang nasabi ng isang gwardiya ng panain siya sa puso. Bago pa maka-gawa ng ingay ang iba niyang kasama at makagawa ng eksena ay agad na pinana at pinugutan ng ulo ang mga ito, at masasabi mong brutal na pagpatay.

Nang makitang wala ng sagabal sa kanilang pakay ay agad nilang binuksan ang pinto upang makapasok ang kanilang pinuno.

Nang makapasok ang mga ito ay agad na inilabas ng kanilang pinuno ang espada nito at itunutok sa dalawang sanggol.

"Paalam. Aking mga pamangkin."-sabi nito at itinaas ang kanyang espada.

Ngunit bago paman nito maibaba ang kanyang espada ay tumunog ang isang alarm sa kwarto ng mga bata.

"Anong nangyayari? Anong ingay ang aking naririnig!!!"-galit na sabi nito sa kanyang mga tauhan

"Hindi namin alam pinuno. Pero mas mabuti pang umalis na tayo dito, bago pa may makahuli satin."-saad ng kanyang isang tauhan.

Nag-isip ito ng malalamin at tumingin sa mga sanggol.

"Hindi pa tayo tapos. Humanda kayo."-sabi nito at naglakad na paalis na agad namang sinundan ng kanyang mga tauhan. Bago pa sila maka-alis ng tuluyan sa lugar ay nakita pa nila kung paano magkagulo ang mga tao sa loob ng palasyo.

Location:
Chanlim Palace, South Korea

Wilgeon Quarters

■King's Quarters■

"Ano?! Paano may nakapasok na mga assassin dito sa palasyo?!"- galit na galit na sabi ng hari ng mabalitaan ang nangyari.

"Patay na po ang mga gwardiyang naatasang magbantay sa kwarto ng prinsesa at prinsipe, kaya walang nakaka-alam kung paano sila nakapasok. Patawad po Mahal na Hari."- sabi ng Heneral ng mga Kawal.

"Kamusta ang Prinsesa at Prinsipe?"-tanong ng Reyna

"Maayos po sila Mahal na Reyna. Walang nasaktan sa dalawang sanggol."-sabi ng Heneral.

"Paigtingin niyo ang pagbabantay sa loob at labas ng palasyo. Siguraduhin niyong hindi na ito mauulit pa."-Sabi ng Hari

"Opo. Mahal na Hari."-Sabi ng Heneral

"Hanapin niyo ngayon din ang mga assassin na gustong pumatay sa Prinsesa at Prinsipe at patayin pati nadin ang kanilang mga pamilya."-Utos ng Reyna

Nabigla man ang Hari sa desisyon ng kanyang Reyna ngunit hindi narin siya umalma, sapagkat buhay ng kanyang mga anak ang pinag-uusapan.

Agad-agad na kumilos ang mga kawal at naglakad palabas ng palasyo bitbit ang kanilang mga sandata.

Location:
Kamlim House, South Korea
(Near the Chanlim Palace)
Quarters of: Prince Jonathan
- Brother of the King

Tahimik na umiinom ng kape si Prinsipe Jonathan . Habang ang kanyang Asawa na si Prinsesa Clarissa ay nagbabasa ng libro.

"Prinsipe Jonathan. Narito po ang mga tauhan ng Hari ng Chanlim."-saad ng utusan na naka tawag ng pansin sa mag asawa.

"Papasukin mo sila."-utos nito.

Agad namang pumasok ang mga kawal sa loon ng bahay.

"Anong kailangan niyo?"-tanong ng Prinsipe sa mga kawal.

"Nandito po kami upang ibalita na may nagtangka sa buhay ng prinsesa at prinsipe."- sabi ng Heneral ng mga kawal.

"Anong sabi mo? May nagtangka sa aking mga pamangkin? Sino? Paano?"-tanong nito.

"Hindi pa namin nalalaman kung sino ang nasa likod ng pagtatangka sa dalawang tagapagmana. Pero pinaniniwalaan namin na mga assassin ang may gawa nito. Kaya inutusan kami ng Mahal na Hari at Reyna na hanapin ang mga ito. Kaya mahal na Prinsipe pwede bang halughugin namin ang iyong tahanan."-Saad muli ng Heneral.

"Oo naman sige. Halughugin ninyo."-sabi nito.

Agad na inutusan ng Heneral ang kanyang mga kawal na halughugin ang buong bahay ng Prinsipe. Ang asawa naman ni Prinsipe Jonathan na si Prinsesa Clarissa ay kinuha ang anak niya na kanina pa iyak ng iyak.

"Heneral. Tignan niyo po ito."- saad ng isang kawal.

Isang itim na kasuotan at espada na may bahid ng isang likido ang nakita ng isang kawal sa isang lumang kahon. Kinuha naman ito ng Heneral at inamoy kung ano ang pulang likido.

"Amoy ito ng Dugo."- saad nito.

Ikinagulat naman ito nina Prinsipe Jonathan at Prinsesa Clarissa.

"Hindi amin iyan."-sabi ni Prinsesa Clarissa at ibinigay sa kanilang utusan ang kanyang anak.

"Kunin ninyo ang Prinsipe at ang Prinsesa pati nadin ang kanilang anak."-utos ng Heneral sa kanyang mga kawal.

"Chin. Ilayo mo ang aking anak dito. Umalis na kayo.!"-Sabi ng Prinsesa Clarissa sa kanilang babae na utusan. Agad naman itong sinunod ng babae. Na hindi namalayan ng Heneral .

"Anong karapatan ninyo na gawin sa amin ito. Isa akong Prinsipe. Kapatid ng Hari."-saad ni Prinsipe Jonathan.

"Dadalhin namin kayo sa Chanlim upang litisin at doon nadin kayo mag paliwanag."-sabi ng Heneral.

.....

Location:
Chanlim, South Korea

°Dancheon Arena°

Maraming tao. Lahat ay nagbubulungan kung ano ang magaganap dahil nasa gitna ng bilog sina Prinsipe Jonathan at Prinsesa Clarissa. Nakagapos at may mga sugat narin. Pinahirapan sila ng husto ng hindi nila inamin ang kanilang kasalanan.

Tumunog ang dambana.
Oras na nang paglilitis....

Lahat ay natahimik ng dumating ang Hari at Reyna...

Bakas sa mukha ng hari ang galit dahil hindi niys inaakala na sariling kapatid niya ang magtatangkang papatay sa mga anak niya .....

Napagdesi-syunan na ng kunseho kasama ang Hari kung ano ang ipapataw na parusa sa mag-asawa....

at yun ay......
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
KAMATAYAN●

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

•••TO BE CONTINUED•••

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Your Ugly Author,
■■■■■■■■■■■■
Maiden_QueenieBee

Innocent Traitor (On-Going)Where stories live. Discover now