M.U sa Messenger

73 1 3
                                    

~Jane's POV~

  Hihihih! Kinikilig ako kay Greg! 

Paano ba naman kasi,nagtapat siya ng feelings niya para sakin.Kyaaah! Though wala akong feelings for him. Sadyang kinikilig lang ako.

Ako nga pala si Jane Sandoval. Hindi kagandahang babae pero hindi din naman panget! Hahaha. Kasama ako sa Top Achievers ng year namin,as well as my bff's Chelsea and Luisa.

Hindi ko na matandaan kung kailan,bakit at paano kami naging magkakaibigan. Basta hindi lang bff's ang turingan namin. We treat each other as a sister. Silang dalawa ang nakaka-alam ng lahat tungkol sa amin ni Greg. Magka-klase kami nila Chelsea at Luisa, same as Greg.

Speaking of Greg, sinabi niyang crush daw niya ko. Yep,crush palang. Pero kasi kaya ganto ang kilig ko kasi,first time na may nag-confess sakin.Kasi nga diba,hindi naman ako sociable BEFORE. See that was BEFORE.

I still remember the day nung una kaming mag-usap.Though hindi ko na matandaan ang exact time.

                               June 25,20**

Greg: Hello po. May tatanong lang po ako.

Jane: Hi po. Ano po iyon?

Greg: Tanong ko lang po kung anong group niyo po sa science.

Jane: Group 5 po.

Greg: Ah, okay. Thank you po.

Jane: Welcome.


Yan ang una naming pag-uusap. Dumaan ang ilang linggo at nagiging sweet siya sakin.

Greg: Goodmorning :)

Jane: Goodmorning din :)

Greg: Kumain ka na?

Jane: Hindi pa eh.

Greg: Bakit hindi ka pa kumakain? Sabi ko naman sa'yo huwag kang papalipas ng gutom eh.

Jane: Eh sa hindi pa ako gutom eh. -3- Ikaw ba kumain na?

Greg: Opo tapos na po!

Tuwing tatanungin ka niya kung kumain ka na ba at ang sagot mo ay 'hindi pa' mag gagalit-galitan yan. Pero wala rin naman siyang magagawa kung ayaw ko pang kumain. Hahaha. 

Minsan nga,tatanungin ko pa siya kung kumain na ba siya eh. Baka kasi isipin niyang ang rude ko. Tinanong niya akong kumain pero siya hindi ko tinanong samantalang friends naman na kami.

Madalas din niya akong pino 'po'. Sabi ko huwag niya akong i-'po' at feeling ko ang tanda tanda ko, wala eh. Nandun parin yung 'po'.

Madalas din siyang magsabi ng 'Goodnight,wag ka ng magpuyat ha?'.Pero wala naman siyang magagawa kung magpuyat ako.Hahaha. Oh diba! Sweet niya.

Minsan nga tinatawag ko siyang 'Kuya' kasi parang kuya ko siya pero sabi niya huwag ko daw siyang tawaging kuya. Kapag tinatanong ko naman kung bakit nagagalit.

Oo,sweet siya. Sa CHAT LANG. Hindi kami nag-uusap sa personal. I understand him naman kasi nagkakahiyaan pa kami. Seriously,sobrang nahihiya daw siya kapag kaharap ako. Medyo nahihiya rin naman ako.

Sana nga mag-kausap na kami sa personal bago matapos ang school year namin. May balak kasing lumipat sila mama ng bahay sa ibang lugar kaya panigurado lilipat din ako ng school.


~After 6 months~

Daming nangyari. Dumaan ang birthday niya at birthday ko ng hindi parin kami naguusap sa personal. May time na nagkakatampuhan kami per we manage to fix it naman.

M.U sa Messenger (One-Shot)Where stories live. Discover now