CHAP 49
ELLIE's POV
" San ka? We need to talk. Asap"
Tinawagan ko na siya. Medyo naginginig nginig pa ang boses ko. Di ako mapakali. Daig ko pa yung mga lalaking magcoconfess ng feelings nila sa isang babae. Sobrang kinakabahan ako.
" What if nega ang maging dating sakanya?"
Isang linggo.
" Paano kung mas masaktan ko lang siya? "
Isang linggo ko ulit siyang di tinext, o kinausap. Isang linggo kong nilayo ang sarili ko sa mga pwedeng mag-connect saming dalawa.
" Kaya ko 'to. Kaya kong sabihin sakanya laat ng nararamdaman ko."
Isang linggo akong nag-isip. Wala akong ibang ginawa kundi mag-isip.
" Kung hindi ko pa sasabihin ngayon, kelan pa? Kung mas papatagalin ko pa, mas masasaktan siya. Tama. Mas masasaktan lang siya. "
Isang linggo ako nag-isip kung paano ko ba sasabihin sakanya ang lahat.
Parang tanga ako dito sa park. Kinakausap ko ang sarili ko.
Tatayo sana ko para mag-cr muna kasi naiihi na ko sa kaba ng biglang narinig ko ang boses niya at tinawag niya ko..
" Ellie! "
" Jaden..."
Mas bumilis ang tibok ng puso ko.
" Ano nga pala yung pag-uusapan natin? About ba to satin?"
" Yes."
" Go on."
Di ko alam kung paano ko magsisimula pero gagawin ko na.
" Kasi Jad, we need to stop this. Etong lahat ng to. Lahat ng meron tayo. "
Halatang nagulat at naguluhan siya.
" What are you talking about? Alin ang ihihinto? Tama ba ang narinig ko? Lahat ng to? "
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
" Yes."
" Pero bakit? Ellie napagusapan na natin to. Di lang isa, di lang dalawa o tatlo. Napagusapan na natin to for the nth time. Di april fools ngayon baby. Itigil mo tong joke mo."
Ngayon palang gusto ko nang umiyak.
" Di ako nagjojoke! I'm serious!"
"Bakit nga? Why do we need to stop this?"
" Kasi ayoko na."
"Ayaw mo na?! Ganun ba kadali para sayo yun Ellie?! Kasi ayaw mo na?!"
" Sorry Jaden. Sorry. "
Tumayo siya, pumulot ng bato, at ihinagis yun ng malakas sa damuhan. Ramdam ko yung lakas ng pagkakabato niya.
" Sorry?! Hahaha. Ellie anong kalokohan nanaman ba to? Kala ko ba okay na tayo? Parang nung isang linggo lang maayos naman ang lahat diba? Ano nanaman ba nangyayari?! Ha?!"
" Jaden, yung feelings natin sa isa't isa, imagination lang yun. Parang si Peter Pan at si Wendy. Imaginations lang ang lahat."
" Ellie hindi imagination yun! Totoo yun! Lahat ng pinakita, sinabi at nararamdaman ko sayo, lahat yun totoo! Walang imagination para sakin! Lahat totoo!"
Di ko na napigilan. Tumulo na ang mga luha ko.
" Alam kong magaling lang ako sa pag-iyak. Pero etong mga luhang to Jaden, totoo to. Eto hindi na to imagination. Totoo to."
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts Forever
Teen FictionForever? Nageexist ba yun? Mahal na mahal ko siya at akala ko habang buhay na kami. Pero mali ako at tama sila. Hindi ka dapat magsalita ng tapos dahil hindi mo naman hawak ang mundo. HIndi mo alam ang mga pwedeng mangyari sa inyo. HIndi mo masasabi...