Friends Turned To . .

40 1 0
                                    

Mary's P.O.V

Nanlaki ang mata ko nang mapatingin sa braso ko at makita ang isang malaking pasa dito.

Waaaah. Tngina ka talaga Lenoooon!!!

Mabilis akong nag-ayos para pumasok sa klase.

Pagdating ko sa classroom ay agad dumapo ang kamay ko sa buhok ni Lenon na nakaupo sa tabi ng upuan ko.

"Aaah!! A-araaay!!"

Impit nyang daing sakin. Naupo ako sa tabi nya habang hawak hawak pa din ang buhok nya.

"Tingnan mong ginawa mo sakin leche ka!! Pasalamat ka hindi nakota ng nanay ko to!!"

Pilit nyang tinanggal ang mga kamay ko sa buhok nya. Hinayaan ko naman na ito at umayos ng pagkakaupo.

"Buti nga sayo pasa lang eh. Tingnan mo nga oooh!!"

Sagot nya sabay lahad ng pareho nyang braso sa harap ko.

"Puro kalmooot!! Ang hapdi kaya!! Sakin nga nakita ni mama eh. Sabi ko na lang, nabalibag ako sa bike."

Natawa ako nang kaunti. Sa bagay, patas lang kami. Hahaha.

"Anshunga mo magpalusot. Nagbabike ka ba?! Puro motor ka kaya!!"

Nagkibit balikat na lamang sya at ngumuso. Hahaha.

Kinurot ko ang pisngi nya, ang pisngi nyang walang laman. Hahaha. Napakacute kase ni Lenonchyy.

Ngumuso lang ulit sya at kinuha ang cellphone sa bulsa nya.

Napabuntong hininga ako. May kachat nanaman sya.

Pasimple akong sumilip sa cellphone nya.

Andami, puro babae ang laman ng measenger nya. Sunod sunod ang labas ng mga chathead, pero hinahayaan nya lang, at patang hinihintay nyang matapos ang mga notifications.

Nagscroll down sya at nakita ko ang favorites nya. Napangiti ako. Nasa unahan pa rin ako.

Malapit kaming magkaibigan ni Lenon. Pero lingid sa kaalaman nya ay, hindi ganon ang turing ko sa kanya.

May gusto ko sa kanya. Matagal na, mga bata pa lang kami.

Magkababata kami oo. Pero hindi ko.masasabing magbestfriend kami. Siguro mas accurate ang close friend.

Lumipas ang ilang araw, ganon pa rin naman kami sa loob ng classroom.

Nagkukulitan, nagdadaldalan, at kadalasan napapagalitan ng teacher.

Napakadaldal kase ni Lenon. Oo sya lang. Tahimik ako. Sobraaa. Hahaha. Keme.

So yun nga, walang nagbago sa personal na pakikitungo namin sa isat isa.

Pero dumadalang na ang interaksyon namin sa chat.

Kung dati, alam ko kung nakauwi na ba sya o hindi pa, nakakain na ba sya o hindi at kung matutulog na ba sya.

Araw araw ganon ang routine namin, sabay magdidinner pero nasa kani kaniyang bahay, sabay matutulog, pero hindi rin magkasama. Ang gawain ng isa't isa ay alam namin. Pero noon yon.

Lenon?! -seen
Lenooooon?!! Namo ka!! Magreply ka oy!!-seen

Napabuntong hininga ko. Ilang araw nya na kong siniseen.

Lenooon?!! Sige lang. Naiinis na ko sayo lagi mo ko siniseen ah?!!

Friends Turned To. .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon