Mary's P.O.V
Natapos ang gabi na yun lang yung pinag-usapan namin. Kagabi habang magkachat kami. Ayos lang eh. Nakng!! Laughtrip pa nga ako eh.
Pero ngayon. .
Ngayong wala akong ginagawa, tsaka ko nararamdaman yung sakit, yung hiya. Tangina!! Umamin ba talaga ko?!!
Ansakit sa pride!! Babae ako!! Tapos nireject pa kooo?!
Nagpagulong gulong ako sa kama. Tnginaaa!! Naiiyak akooo!!
Kinuha ko ang cellphone ko at dali daling nagtype.
M: Leleng?!
H: Po?
M: Wala ba talaga?
M: As in walang walaa?!
H: aasa ka paba ?
H: bibiyak kalang gago haha
M: Wala talaga ha? As in wala. Yung tipong wala talaga ah?
H: Drama mo Meng. Hahahaha.
M: Namo ka!! Anong madrama jaaan?! -seen
Nanghihina kong nilapag ang cellphone sa tabi ko.
Nag uunahang tumulo ang mga luha ko.
Tngina. Umasa ko.
Oo nga pala. Wala ako sa movie. Hindi kami tauhan sa wattpad. Reyalidad to.
Hindi porket lagi kaming magkasama, may tsansa nang mahulog sya sakin.
Ilang beses ko nang pinaulit ulit sa sarili ko na 'bes hanggang jan ka lang!' Alam ko namang hanggang kaibigan lang ako, dahil PANGKAIBIGAN lang naman ako.
Hahaha ano ba naman kaseng laban ko? Puti pa lang ng mga kalandian nya, talo na ko. Ngiti pa lang nung babe nya wala na. Eh leche kahit ako naku-cute-an don sa babe nyang yon eh. Oo. Kilala ko. Nakita ko sa mga sinesend nyang picture.
Pero atleast. Sa ginawang pag amin ko, graduate na ko sa mga What Ifs at baka sakali. Dahil pagod na kong sumubok na umasa at sampalin ng katotohanang hanggang sa linya lang ako ng Girl Friends nya at hindi sa pila ng possible girlfriend nya.
Masakit. Sobrang sakit. Hindi sa second option eh. Wala ako sa options. Tngina.
Pero ok na to. Kung second option ka kase nandon pa rin yung baka sakali eh. Baka sakaling ikaw yung first hindi yung second.
Atleast sakin, masaklap, na wala sa option. Pero alam ko ang lugar ko. Wala. Oo. Leche. Wala akong lugar.
Kinabukasan ay nakasalubong ko ang bestfriend nya.
"Balita ko hinard ka daw ni Lenon ah?"
"Kinwento nya sa tropa nyo?!"
Kinabahan ako. Nakakahiya kung kinuwento nya, dahil kakilala ko din ang mga tropa nya.
"Hindi. Sakin lang. Nagsisisi nga si gago eh. Di naman daw nya sinasadya. Lasing daw sya."
Napatango na lamang ako at umalis na. Ayoko na. Mas mabuti nang ganon na lang.
Matino man sya o hindi ng mga oras na yon, wala na kong pake.
Ayoko na.
Siguro nga, hanggang magkaibigan lang talaga ang nakaguhit sa tadhana naming dalawa.
Ngayon, back to zero ulit ako. Waiting nanaman. Masakit, lalo na sa tuwing wala akong magawa.
I always find myself going back to our conversations.
Iniisa isa ko ang mga pictures ng bawat isa na sinisend namin sa messenger. May mga video pa nga. Hahaha.
But, life must go on. Mahirap, masakit. Pero, hindi naman sya yung first heartbreak ko,so tulad ng mga nakaraan, sa umpisa lang siguro mahirap.
Ika nga, this too shall pass.
Friends turned to strangers. Real quick. Hahaha.