Sara's POV

8 0 0
                                    

"Sara pumunta ka sa room 15 may bagong pasyente dun"

"Hi sir - "

Pagbukas ko nakita ko yung lalakeng ayaw ko nang makita

Nanlumo ako sa nakita ko pero wag magpapahalata

"Ah sir i checheck ko lang yung kalagayan ng pasyente"

Sh*t napaka akward neto

"Kumusta?"

Tang*na mo nagawa mo pa akong kamustahin

"Eto mabuti"

"Talagang tinuloy mo yung pagiging nurse mo no?"

Oo marami ng nangyari simula nung nawala kang gago ka

Tinanguan ko lang siya

"Ahh sir napaano po pala yung pasyente?"

"Nahilo bigla"

"Okay sir mamaya darating din si Doc. Sotto intay lang po kayo"

Paglabas ko napapikit na lang ako bumabalik yung mga alaala, sara naman wag mo ng isipin yun nasasaktan ka lang

Akala ko di na siya babalik ang sakit pa rin pala

"Hoy okay ka lang?"

"Mukha ba akong okay sa lagay na to?"

"Medyo"

"So pag stress maganda na ako tignan?"

"Eh ano ba kasing problema mo?"

"Yung room 15 kasi"

"Bakit anong meron sa room 15 mo?"

"Wala ang sungit lang nung pasyente"

"Tss masanay ka na marami ka pang maeencounter na ganyang klaseng pasyente"

"Tama marami pa talaga kaya more chances of pain rin"

Natatawa na lang talaga ako sa katangahan ko

~~~~~

"Oh ano jen kumusta yung pasyente?"

"Alam mo girl ang weird mo kinakabahan na ako sayo hindi naman masungit yung pasyente ikaw lang yung nag iisip ng ganyan"

"Jen pwedeng ikaw na lang diyan tas ako sa room 3?"

"Hoy sara pinagbigyan lang kita kasi nababahala ako sa mga kilos mo"

"Sige na pls!"

Ayoko na pumasok dun baka kasi masaktan lang ako

"Hay naku marami pa akong gagawin lakasan mo na lang loob mo girl kaya mo yan"

Wala na akong magagawa, bahala na

Dinala ko na yung medicine na kailangan ng pasyente

"Best"

Wag mokong ma best best malandi ka alam mong bf ko yang nilalandi mo sinulot mo pa rin ang kapal talaga ng mukha mo

Ipinikit ko na lang mata ko, at huminga ng malalim

Pasalamat ka ganyan yung kalagayan mo ngayon, kung di matgal na kitang pinatay

"Ahm maam inumin mo na lang tong gamot na to para maging okay ka na twice a week niyo to inumin para siguradong okay na kayo"

Keep professional sara edukada kang tao

Wag mong ibaba yung sarili mo sa kababuyang ginawa ng dalawang yan

Ibinigay ko yung gamot, tapos lumabas na

"Sara!"

Binilisan ko na paglalakad ko

"Sara pwede ba kitang makausap?"

"Sorry pero kailangan ako ni Doc. Baka hanapin ako"

"Madali lang to promise"

Hinawakan niya kamay ko

"Ano ba sinabing hindi pwede diba"

"Wag ka ngang mag eskandalo dito"

"Wala kang pakealam"

Binuhat na niya ako sa papalabas ng hospital

Pinagtitinginan na kami ng mga tao

~~~~~

"Sara makinig ka muna sa akin pls!"

Ayokong makinig kasi baka tamang hinala lang ako

"Di mo na kailangan pang iexplain naiintindihan ko na"

"Sorry"

Sinampal ko siya ang kapal ng mukha niya

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo ngayon ha?"

Yumuko siya humihikbi

"Kaya pala hindi ka nag pakita ng dalawang taon, James hinintay kita muntik na akong mabaliw kaiisip kung anong nangyari sayo tapos ngayon ka lang mag eexplain dahil binuntis mo na yung kaibigan ko

Tumutulo na yung luha ko, di ko na kaya ang sikip na ng dibdib ko

"Mahirap yung naging sitwasyon ko, kaya nag pakalayo layo ako"

"Kaya pala ni tawag hindi mo magawa kasi busy ka sa pakikipaglandian sa kaibigan ko!"

"Kasi mahal ko siya!"

Yun lumabas na rin yung salitang inaantay ko

Sobrang dami ng luhang lumabas sa mata ko

So noon pa man tama na talaga ang iniisip ko sa kanilang dalawa

Ako yung talo ako yung tanga ako yung bobo

Ako lang pala nagmamahal sa kanya




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Room 15 (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon