Bakit Ako?

5 0 0
                                    

Bakit Ako?

Hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili , "Bakit ako"?
Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako?
Bakit ako ang isa sa mga minahal mo?
Bakit ako ang isa sa mga pinili mo?
Karapat-dapat ba akong tumanggap sa pagmamahala na inaalay mo?
Bakit ako? Bakit ako? Bakit ako?

Sabi nila, nuon pa minahal mo na ako, minahal mo na ang isang tulad ko.
Kahit alam kong di ako karapat-dapat na tumanggap sa pagmamahal na inaalay Mo.

Sabi nila, nuon pa bago pa nilikha ang mundong kinatatayuan ko, bago pa nilikha ang tao, at bago pa ako nilikha at maisilang sa mundong ito, kasama na sa plano Mo ang mahalin ako at mahalin ang buong pagkatao ko.
Bago pa nang ako'y isilang, nakaplano na, nakaplano na ang lahat, upang ipakita ang pagmamahal na inialay mo para sa lahat.

Pero patuloy kung tinatanong sa aking sarili, "Bakit ako?"
Ano bang katangiang meron ako?
Bakit ako? Bakit ako? Bakit ako?

Sa paglipas ng panahon, sa paglalakbay ng maraming taon,
tinanggap ko ang pagmamahal na kay Mong inaalok.
Sa pagtanggap ko sa pag-ibig Mo, dun ko naintindihan at nahanap ang sagot sa aking katanungang "Bakit ako?", "Bakit ako ay patuloy na minamahal Mo?"

Dahil pala sa pagmamahal Mo, nabigyan ng kulay at kahulugan ang buhay ko.
Dahil sa pagmamahal Mo, binuo Mo, binuo Mo ang puso kong winasak ng ibang tao.
Dahil sa pagmamahal Mo, ayaw Mong makitang naghihirap ako; lalo na noong nakita mong wasak ako ng dahil sa maling pag-ibig sa maling tao, sa taong di naman tunay na hahawak at iingatan ang aking puso. At ng dahil sa pagmamahal Mo, ayaw mo akong makita na maghihirap sa alab ng impyerno.

Dahil sa pagmamahal Mo, naliwanagan ang isipan ko, na ang tunay na pag-ibig ay may katumbas na pagsasakripisyo.
Dahil sa pagmamahal Mo, alam kong pinili Mo ako, pinili Mo ako na makasama ng buong buhay Mo.

Dahil sa pagmamahal Mo, napawi ang kalungkutan sa buhay ko, na sa bawat pag-iyak ko, niyakap Mo ako at ipinadama na tunay ngang mahalaga at mahal Mo ako. At ng dahil sa pagmamahal Mo, nagkaroon ng kasagutan ang aking katanungang "Bakit Ako?"

Kaya laking pasasalamat ko, ng dahil Sa'yo buong puso mong tinaggap ang aking pagkatao, buong puso mong tinanggap ang kakulangan at kahinaan ko.

Maraming salamat Sa'yo, dahil simula nang tinanggap ko ang pag-ibig na inaalay Mo, naging tuwid ang daan na tinatahak ko, ang daan na nilalakbay nating dalawa. At maraming salamat Sa'yo dahil naging buo, naging buo ang pagka-tao ko.

Sa buong buhay ko, Ikaw lang, Ikaw lang ang nagmahal sa akin ng tapat at totoo, nagmahal ng walang alinlangan sa Iyong puso.
Maraming salamat sa Iyo, dahil wala na sa isip ko ang katanungang "Bakit Ako?".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Ako?Where stories live. Discover now