The Extemporaneous

14 2 0
                                    


Hello, kamusta kayo?

Hello, kamusta kayo?
Ako nga pala ang inyong lingkod, Lincoln.

Ang pagbati sa inyo ng magandang araw kung umuulan naman, hindi mo mabatid kung nangiinsulto o hindi.

Isang umagang punong-puno ng bagong sigla, isang umagang magbibigay ng bagong pag-asa.
Siya Yna, isa siyang mabait, Masunurin,magalang,Mapagmahal, Matalino at higit sa lahat laging sawi sa pag-ibig.

Bawat araw ay pinu-puno niya ng pag-asa ang kanyang sarili na balang araw ay makakahanap rin siya ng tunay na pag-ibig.

Pag-ibig  salitang hindi ko mawari kung totoo o hindi, [sa bawat lalaking aking minahal puro nalang ako luhaan, kailan nga ba ako makakahanap ng totoong magmamahal sa akin?] isang salitang sumasang-ayon sa salitang paasa!.

Isang umagang sumasalamin sa totoong buhay, isang umagang nagpapanabik sa akin na sa bawat araw ay magbibigay ng bagong liwanag.

Lumabas ng bahay si Yna upang magtungo sa tindahan, habang siya'y naglalakad nakasalubong niya ang kanyang mga kaibigan na si Teddy at Abbi. Malayo palang ang dalawa nakangiti na ang mga ito kay Yna na may binabalak mangasar.

"Kamusta Yna?" ika ni Teddy sabay halik sa kanyang pisngi at kumaway nalang si Abbi sa kanya dahil nahiya na siya kay Teddy.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Abbi.

"Siguro maghahanap ka na naman ng bagong jowa noh?"

"Jowa agad, baka naman lalandiin!" Sabi ni Teddy.

"Ang sakit niyo naman magsalita! Ang aga aga ang nenega niyo agad, di kayo na! Heto na ang korona, parang sila hindi nila gawain." patawang sabi ni Yna

"Inutusan kasi ako ni nanay na bumili ng suka at tuyo." no choice naman ako syempre masipag ako eh. "Oh siya sige iwan ko na kayo, kita nalang tayo mamayang gabi sa bahay."

Habang naglalakad si Yna napansin niyang may kanina pa sumsunod sa kanya; ang akala niya ay ang mga kaibigan lang niya ito kaya hinayaan niya nalang

"Hay naku 'tong dalawang 'to talaga walang magawang maganda kundi mangasar ehhh." Sabi niya sa sarili, kaya bigla siyang huminto at tumalikod para gulatin ang mga ito ngunit laking gulat niya ng makita niya na si An-an-drew pala ang sumusunod sa kanya.

"Hello, nagulat ba kita? tanong ni Andrew." Nanigas si Yna sa gulat na akala mo statwa.

"H-hindi naman." sabi niya ng pautal-utal.

"Bakit para kang nakakita ng multo sa reaksyon mo? Saan kaba pupunta at ang aga mo naman maggala?" Tanong ni Andrew.

"W-wala, inutusan lang ako ni nanay sa tindahan." Nag jojogging kasi si Andrew,at dito din pala ang kanyang daan.

"O siya, sige maiwan na kita baka maabutan pa ako ng sobrang init" sabi ni Andrew.

Si Yna ay hindi parin makapaniwala na nakausap niya si Andrew sa unang pagkakataon, dahil halos pasulyap sulyap lang sya noon sa kanya habang naglalaro ng basketball at ngayon ito na.

"Omg! grabe ang gwapo talaga niya, para akong hihimatayin kanina. OMG talaga." Ani nito sa sarili.

Nakarating na si Yna sa tindahan at hindi parin siya makapaniwala sa nangyari. "Ate pabili po ng electric fan, hindi po kasi ako makahinga eh, naubusan po kasi ako ng hangin kanina- Ay! Este suka at tuyo pala po. Salamat."

Nakarating na si Yna sa kanilang bahay at binigay na sa kanyang nanaya ang pinamili nito.

"Oh anak, bakit natagalan ka na naman sa pagbili? Sino na naman ang nakita mong gwapo?" Pabiro ni nanay.

"Kayo talaga nay, kung anu-ano nasa isip niyo? Ay nga po pla nay, pupunta po sila Teddy at Abby mamayang gabi." Ani nito sakanyang ina.

"Ano na naman gagawin niyo?Mag iingay na naman kayo?"

"Si nanay talaga. Love you." Sinabi nalang niya ito para hindi na magtanong ang nanay.

Habang si Yna ay nakaupo sa sala, bigla muli niyang naalala ang nangyari kanina.

Oh, Andrew, ang gwapo gwapo mo talaga. Sana boyfriend nalang kita. Sana ako nalang. Sana ikaw na ang hinahanap ko. Sana maulit muli. Ang laki ng namamakat na ABS, ang basang basa ng pawis na mukha, ang mga muscles mong para akong ginagapos sa laki, ang mga mata mong nangungusap, at ang mga labi mong kay sarap hagkan. Grabe ka talaga Andrew,,,,, sana ikaw na ang perfect match ko. Ang D'one ko. Hayyyyyýyy.

"Hoy Yna, ano na naman yan, nangangarap ka na naman. Sasaktan ka lang niyan, parang hindi kana nasanay!"  Sabi ng kanyang nanay.

"Ano ba naman kayo nay, panira kayo ng moment eh."

"Ako pa sinisi mo, batang 'to talaga, tumayo kana riyan at magwalis kana sa labas." Sabi ni nanay

Natapos na ni Yna ang gawain niya ay naghanda na ito para sa kanilang pananghalian at ng matapos silang kumain, ay nagpaalam ito para bumili ng gagamitin niya para mamayang gabi sa mga pakulo nito sa mga kaibigan.

Habang nagaantay si Yna ng tricycle, naalala niyang muli si Andrew. Hindi na maalis sa kanyang isipan ang nangyari, halos maglupasay na naman sya sa tuwa.

"Manong sa may forever po." Natawa ito sa pabirong sabi ni Yna sa driver. Kaya natawa din naman ang driver dito.

"Joke po! Sa SM langpo manong."

Nang makarating si Yna sa SM nakita niya ang kanyang ex. Tumalikod agad ito para hindi na siya makita pa. Bumalik na naman ang pait at sakit at kirot na sinapit niya noon. Kung kailang nakamove on na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ExtemporaneousWhere stories live. Discover now