Jeniele's POVKagigising ko lang dahil sa katitilaok ng mga manok kaya naman agad akong bumangon at naligo
Bumaba ako at tamang tama na nakapagluto na si Yaya Ellie
Andyan ka na pala iha kain na kamusta ang tulog mo? Bungad sa akin ni yaya Ellie kaya nginitian ko siya
Ayos lang naman po, Asan na po si Kaye? Tanong ko kay yaya ellie
Sandali lang at aking tatawagin, sumenyas pa siya at syaka naglakad papunta sa labas, Anak! Tawag ka ni JM! Sigaw pa ni yaya
Weyt lang madur! Pinapatuka ko pa ang aking mga kyut na manok weyt! Napatawa naman ako at tsaka siya lumapit sakin
Haii bessy! Musta ang tulog mo? Umisod ka ng konti at baka mahawa ka sa kagandahan ko! Natatawang sabi niya at tumabi siya sa akin
Bakit di ka pa kumain? Tanong ko sa kanya at tinaasan naman niya ako ng kilay
Tulog mantika ka ata bessy! Kanina pa akong 5:00 gising at ginigising kita pero ayaw mong bumangon tulo pa nga laway mo diyan eh! Parang kiti-kiting paliwanag niya
May naalala tuloy ako...
~FLASHBACK~
Love, gising na may date pa tayo mamaya, minulat ko ang aking isang mata at nakita ko si Kurt agad naman akong napangiti at bumangon
Nag-unat pa ako at tumingin sa kanya..
Love ang aga pa naman ata, sabi ko habang humihikab
Love excited na kasi ako first date pa naman natin, ngumuso siya sa akin
Ang cute cute niya hayssss
Sige na nga! Tumayo na ako at naligo...
~END OF FLASHBACK~
Haysss kung di ka lang nagloko tsk!
Huy lutang ka na naman bessy! Sigaw niya sakin at nagulat naman ako
Lutang? Oy wag moko igaya sayo singkit! Depensa ko sa kanya
Aba bessy ang galeng mo ren noh? Obyus na tatanggi pa! Lufet mo par bangis mo! Sarkastikong sabi ni singkit,
Syempre namann mana lang sa pinagmanahan, kinindatan ko pa siya
Tara na nga malalate pa tayo sa kakornihan mo! Sigaw niya sakin tsaka ko siya binatukan
Aray! Pasalamat ka bespren kita kung hindi nasapak na kita!
Naglakad na kami sa kotse at pinagbuksan naman kami ni kuya guard
Wala si mommy at daddy sa bahay dahil nasa Puerto Galera sila dahil may inaasikaso sila para sa business namin, si kaye at yaya ellie na lang nakakasama ko sa bahay, si kaye na ang naging bestfriend ko kasi simula bata ay kami na ang magkasama
**BEEP BEEP**
Di ko namalayan na nasa school na kami agad akong bumaba at sumunod naman si kaye nagdiretso na kami sa classroom...
Wassap mga par! Namiss ko kayo!! Sigaw ni kaye at nagsilapitan sina Arisa, Mark, Lorenz, at si Ken
Namiss ko din kayo! Yumakap si Ari (short for Arisa) sa aming dalawa at nakipagbeso pa sa amin
Kamusta kayo? Tumangkad ka na Ken ah! Matakaw ka ata eh? Hahahahahaha! Sabi ko at nagsitawanan kami
Ok lang naman ako namiss kita JM ah! Inakbayan niya ako at ginulo buhok ko
Ehem! Magtatampo na kami ni Lorenz niyan JM! Sabi ni Mark at nagsitawanan kami hanggang sa dumating ang prof at umupo na kami
Pinangigitnaan ako ni Kaye at Ken, nasa unahan naman namin sina Lorenz, Mark at Arisa
Nagdiscuss na ang mga prof namin at di ko namalayang recess na namin
Naglalakad kami papunta sa canteen, nasa kabilang building pa ang canteen kaya nagkwentuhan pa muna kami
Buti naman at magkakaklase pa din tayong tropa noh? Sabi ni Lorenz
Oo nga akalain niyo simula Grade 1 hanggang ngayon magkakaklase tayo sinong di magsasawa sa mukha ng isat isa, usal ni kaye at tumawa naman kami
Ang ganda pa rin natin noh? Sabi ni Ari
Aba lakas ng hangin Ari ah! Kontra ni Lorenz
Totoo naman kaya Ari parang si kaye at si JM lang ang gumaganda sa inyo eh! Pangaasar pa ni Mark at tumawa kami habang nakatingin ng masama si Ari sa kanila
Grabe talaga kayong dallwa sakin! At nagiyak iyakan si Ari at nag appear naman si Lorenz at Mark
Di namin namalayan na nasa Canteen na kami...
________________________________
Lots of Love<3

BINABASA MO ANG
Dating my Ex
Teen FictionMay isang babaeng nagmahal, nasaktan, umasa. Nung una takot siyang magmahal, ngunit may nakilala siyang lalaki.