Sa buhay ng tao ngayon, uso yung papasok ka sa isang relasyon kasi WALA LANG.
May iba naman, pumapasok sa relasyon kahit alam na may ibang ka-relasyon na. Samantalang yung iba, matagal nang tumigil kasi nasasaktan na.
Saan ka nga ba lulugar kung ikaw na mismo yung nasa sitwasyon?
Itutuloy mo ba yung relasyon mo kahit ramdam mo na naglolokohan na lang kayo? O itutuloy mo kasi naniniwala kang sayang yung pinagsamahan nyo...
Meron kasing tipo ng babae na dahil sa sobrang nyang mahal yung lalake, kahit ano kakayanin..wag lang syang iwanan. At isa na rito si Lovie...
Si Lovie ay isang ordinaryong babae lang sa school nila. Meron din namang nagkakagusto sa kanya. May mga nanliligaw pero di sya gaano kagandahan.
Pero meron siyang crush na taga kanila. Nung una ay di nya pa ito sineseryoso..kung baga ay kilala nya lang to sa pangalan.. siya si Jonas.
Si Jonas ay isang masasabing campus crush at napakagwapong lalake. Ahead sya ng 4 years kay Lovie. Hindi rin sila magkaschool kaya walang tulay para maging close sila o magkakilala man lang...
until one time nung nagfafacebook si girl...
*1 new friend request*
--------> Jonas Lazarte wants to be your friend.
Teneeeeeen! Inadd siya ni Jonas sa facebook. Edi syempre etong si Lovie eh inaccept agad sa sobrang kakiligan.
Out from nowhere, biglang chinat sya ni Jonas. Katulad ng karamihan sa mga babae, syempre natural na maglulukso si Lovie sa kilig at mapatumbling sa tuwa kasi ...
ikaw ba naman ichat ng Longtime crush mo kaya natameme si Lovie...
Jonas: Good eve :)
Lovie: Good eve din^^
Jonas: Ikaw ba yung lagi kong nakikita ko dito satin?
Lovie: Ahhh, oo ako nga yun. Kilala mo pala 'ko. Hehe.
Jonas: Kilala lang kita sa mukha eh.
Lovie: Eh pano mo ko naiadd dito?
Jonas: Itinuro ka kasi nung kabarkada ko sakin. Nakwekwento ka nya minsan samin.
Lovie: Ohh? Talaga?! Si Arjay ba?
Jonas: Oo yun nga. Ay lovie, pwede ko ba makuha number mo? smart ka ba?
Lovie: Sorry, i'm not giving my contacts to someone I just knew.
Jonas: Please. Kelangan ko na kasi umalis. Smart ka ba?
(Eh gusto din anman ni Lovie makatext si Jonas kaya binigay na rin niya.. sayang kasi.)
Lovie: Ay kasu.. Globe ako eh.
Jonas: Kahit na :) Magloglobe ako para sa'yo :) :)
Lovie: *kinikilig* 09165586299 there you go :) Bye!
Doon nagtatapos yung first conversation nila.
--> Bakit nga ba kilala nung kabarkada ni Jonas si Lovie?
NEXT CHAPTER :)