Di nagtagal ay nagsisi na rin itong si Arjay dahil sa ginawa niya keh Lovie..
Napag-isip isip niya na hindi maganda ang naidulot nito sa kabarkada nyang si Jonas...
Hindi na ito gaya ng dati na masayahin at palatawa..
Lagi na itong walang gana ngayon.. at dahil nga yon sa lahat ng nangyare..
At dahil din sa pangongonsensiya kay Arjay ng iba pa nilang kabarkada...
Naisip ni Arjay na kausapin muli si Lovie..
at ipagtapat ang mga nangyayareng pagbabago kay Jonas ngayon..
Hindi pumayag si Lovie sa unang pag-imbita ni Arjay..
Pero hindi sumuko si Arjay kaya inaraw araw niya ang panunuyo kay Lovie para lang...
makausap si Lovie..
Sa kabila ng lahat ng sakit na naramdaman ni Lovie.. wala pa ring makakatalo sa pagmamahal
na inialay at ibinuhos niya kay Jonas.. sobra na niya itong miss at
nagsisisi siya na hindi niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Joans sa kanya..
Pumayag siyang makipagkita kay Arjay..
Pagdating nya sa tagpuan nila, nagulat sya nang hindi si Arjay ang nadatnan nya doon..
Si Jonas ang nakita nya doon.. nagtangka syang umatras at di na tumuloy ngunit naisip nya na...
pagkakataon na nila ulit yon. para maliwanagan na rin siya sa katotohanan...
Yun pala ay sinet up ni Arjay si Jonas at Lovie sa isang lugar upang makapag-usap...
Ito lang ang naisip nyang paraan para makabawi sa kaibigan...
Nagtatago si Arjay at ung iba pa nyang kabarkada sa di kalayuan.. inaabanagan nila kung anong mangyayare sa dalawa. at yun na rina ng gagamitin nyang
oras para humingi ng tawad kay Lovie sa nagawa nito..
pati na rin sa kaibigan nyang si Jonas...
Nagulat rin si Jonas sa pagdating ni Lovie aksi ang pagkakaalam niya ay si Arjay ang dadating..
Nag-usap ang dalawa nang mahinahon...
Jonas: Patawarin mo 'ko, Lovie..
Sana pala nung una pa lang ay hindi na ko nagpagamit sa mga kabarkada ko..
Sana maintindihan mo na nagawa ko yun aksi itatakwil nila ko kung hindi ko magagawa..
Inaamin ko sayo na di pa kita gusto nung unang part.. pero habang tumatagal, nahuhulog na ko sayo..
kasi ang pagkakakilala ko sa'yo eh manloloko gaya ng ginawa mo dati sa kbarkada kong si Arjay..
Pero maniwala ka't sa hindi, natutunan na kitang mahalin...
Nagsimula man tayo sa pagkukuwanri.. sa lokohan at kasinungalingan...
Lovie, papatunayan ko sayo ngayon na mahal kita hindi dahil sinabi o inutos sakin nina Arjay...
hindi rin dahil gusto kitang paghigantihan..
hindi rin dahil trip lang... kundi dahil sa'yo ko nakita yung matagal ko anng hinahanap sa babae...
Hindi ka sobrang kulit sa pagtetext. Hindi madaling magalit. Maintindihin ka at sobrang malambing... Naappreciate ko lahat yon... Tsaka lagi mong tatandaan na...
You're beautiful... at iwasan mong mainsecure sa iba. Mahal kita, Lovie. <3
Naspeechless si Lovie, hindi nya alam ang isasagot nya kung kaya't hinawakan na lang niya ang kamay ni Jonas...
--> Ano nga ba ang kahulugan ng paghawak ni Lovie sa kamay ni Jonas?
--> Magpapaalam na ba sya kay Jonas o bibigyan nya ngs econd chance?
LAST CHAPTER :)