Journey 4

22 2 1
                                    

May sakit na ba ako? Kaya sobrang
napapadalas ang hallucination ko.

"Oh anak san galing yan? Andami
naman."

Hindi ko namalayan na dumating na
pala si mama.
Nilingon ko si mama habang
mukhang tangang umiiyak .

"Ma,ang hirap pala maging
maganda! Ultimo multo habulin
ako!" ngawa ko kay mama

"Muka kang ewan Zea, pwede ba
tigilan mo pag banggit sa multo
multo na yan. Nandadamay ka pa sa
pagka loka-loka mo!" wika ni mama
at nakaupo na sa silya habang
nilalantakan ang mga pagkain.
Sitti Zea! Umayos ka nga! Breath
in...Breath out.

Relax ka lang hindi ka minumulto
okay? Tumungo na ako sa silid ko.
Kinalma ang sarili at nag open ng fb
ko.

Lahat ng takot ko bigla bigla nalang
nawala nang may na receive akong
message na galing kay Daph!

-Daph Ranzler Srle
Hi Gorgeous..

Agad akong nag type nang reply ko
sa kanya!

Hello Handsome!

Hala masyado naman akong halata!
Baka malaman niya na crush ko siya
binura ko yung ni type ko.

'Hi'

Napailing ako at napasapo sa noo ko.
Baka naman isipin niya hindi ko siya
gustong ka chat two letters lang
reply ko.

' hello din!'

Haayy! Mukhang exagerated naman
ngayon!

-Sitti Zea Delizo
Hello

Pag ka send na pagka send ko ay
nanlumo ako.
Kainis! Ang tungeks ko! Kabagal ko
kase magreply ayan nag out na tuloy
siya! Active 3 minutes ago.

Nag out na lang din ako total siya
lang naman ang dahilan bakit ako
napapadalas mag open ng facebook
account ko. At buti nga na imbento
ang free facebook kahit na use data
to see photos ang nakikita ko.

Maya maya pa ay biglang nag vibrate
ang cellphone kong sa sobrang
hightech e, di antena pa! Yung
tinutusok ng tingting para mabukas
lang.

Nag text si Ally,

Ally:
Punta ka dito sa hospital
nangungulit si Aj gusto ka daw
makita.
Napabuntong hininga ako at nag
type ng reply ko

'Sige'

pagkasend ko sa reply ko ay
napakamot pa ko ng ulo ko. Message
sending failed. Nakalimutan ko pala
na hindi nga pala ako nag lo-load.
Nag bihis na 'ko agad at akmang
kukunin ko na ang nag iisang matino
ko doll shoes na niregalo pa sa'kin ni
Cindy pero wala akong makapa sa
ilalim ng kama ko! Kamang walang
kutsyon. Sinilip ko pa pero wala
talaga.

Haay!

Asan naman kaya yun, e dito ko lang
naman nilalagay wala namang
magtatangay nun.

Tinignan ko yung iba kong dollshoes.
Yung isang kulay pink na dollshoes
sirang-sira na,yung sandals na kulay
puti naka buka na yung
bunganga,yung tsinelas na parang
panglakad pigtal na yung dahon
niya.

Ah eto nalang...
Kinuha ko yung kulay grey na
dollshoes na may butas na sa ilalim.
Medyo malaki yung butas pero hindi
naman siguro mahahalata pag sinuot
ko na.

"Ma, bibisitahin ko lang po yung
kaibigan ko sa hospital." paalam ko
kay mama at naabutan ko pa itong
hindi paaawat sa pagkain.

"Sige anak, ingat ka." wika ni mama

"Sige po punta na po ako."

••••••

"Manong eto po yung bayad,salamat
po." bumaba na ako sa sinakyan
kong tricycle at inabot ang bayad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Journey to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon