Nang unang makilala ni Sheila si Alex ay isa lamang itong simpleng tao na bigla na lang sumulpot sa buhay niya ng dahil sa isang pagkakamali, napagkamalan kasi niya itong kaibigan ng kuya niya na siyang hinihintay niya sa airport, nang matuklasan ang kamalian ay agad niya itong pinalayas sa pamamahay niya, ngunit nakiusap ito at sinabing wala na raw itong ibang mapupuntahan, dala ng awa ay pumayag siya rito kapalit ng pagsisilbihan siya nito na agad naman nitong tinanggap.
Sa bawat araw na lumipas ay unti-unti niyang nakilala si Alex, hanggang sa umabot sa puntong pinukaw na nito pati ang puso niya, nung una ay hindi niya hinayaang mahulog ng sobra rito pero huli na ang lahat dahil sa bawat iwas niya rito ay lalo lang itong naging pursigido na ipakita ang nararamdaman nito para sa kanya.
Aaminin na sana niya ang nararamdaman para rito ngunit bago pa man niya masabi iyon ay nalaman na niya ang tunay na pagkatao nito! Si Alex ang nawawalang Prinsipe ng Zegovna na si Prinsipe Alexander Romanovi DeKeizer at nakatakda na pala itong ikasal sa isang Prinsensang nag-ngangalang Linneah.
Sukat sa nalaman ay umalis siya at iniwan ito, hanggang sa tuluyan na rin itong umalis at bumalik sa kaharian kung saan dapat naroon ito. Natatandaan pa niya ang huli nitong sinabi bago siya umalis at iwan ito, "Everything I said and did is all true. I love you, sheila.. and only you.. my princess, if it's not you then I wouldn't be willing to have any Queen at all."
Dapat pa rin ba niyang paniwalaan ito at ipaglaban ang pag-ibig para rito? sa kabila ng panglolokong nagawa nito? o dapat na niyang hayaan ito? at kalimutan ang lahat na parang walang prinsipeng nag-exist sa buhay niya?
BINABASA MO ANG
My Prince and I ON HOLD
Romance"I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this, in which there is no I or you, so intimate that your hand upon my c...