Chapter I

1 0 0
                                    

Kalalabas ko lang ng simbahan nang may humarang sa akin na bata na mayroong dalang sampaguita.
"Ate bili ka na po ng sampagita, para po mabawasan na itong paninda ko." nakatingala ito sa akin habang pilit na iniaabot sa kamay ko ang ilang pirasong sampaguita.
"Magkano toh?" Tanong ko sa bata matapos kong kunin ang inalok nyang sampaguita.
"Sampung piso lang po." Masayang sagot nito.

Agad Kong kinuha ang wallet ko sa bag at kumuha ng benteng papel.
"O' ito, wag mo na akong suklian, sayo na yung sampung piso pambili mo ng pagkain, pasensya ka na ayan lang ang maibibigay ko sayo, wala rin ako eh" nakangiting sabi ko sa bata.
"Salamat po." Sagot ng bata bago ito tumalikod at nag alok ng sampaguita sa  iba pang lumalabas ng simbahan.

Miss!Miss! Pahula ka.
Karamihan sa mga babaeng nadadaanan ko na nakapwesto sa gilid ng simbahan ay inaalok akong mag pahula.
Simula't- Simula Hindi ako sumubok mag pahula, kasi sabi ng nanay ko Hindi naman daw totoo iyang hula hula na yan, piniperahan lang daw nila yung mga tao kaya kahit anong alok sa akin ay Hindi ko talaga sinusubukan.

Malapit na ako sa sakayan pauwi sa amin, huminto ako saglit para kumuha ng pamasahe para sa jeep, para wala ng extra movements direcho bayad.
"Neng! Pahula ka." Napahinto ako sa pagbibilang ng barya, tiningnan ko yung matanda na nasa harapan ko na pala, Hindi ko man lang namalayan ang pag lapit nya dahil busy ako sa pag bibilang ng walong piso na ipapamasahe ko sa jeep.
"Naku nay, pasensya na po kayo pero Hindi po kasi ako naniniwala sa mga hula eh, isa po wala po akong ipang babayad sa inyo kung saka-sakali man"
"Kahit wag mo na akong bayaran, Hindi ko rin nga alam basta nung nakita kita parang may humihila sa akin papunta sayo." Paliwanag into
"Baka ini-echos nyo lang ako nay huh." Biro ko Kay nanay na manghuhula.

"Matangkad, Gwapo at Mayaman, sya ang lalaking nakikita ko na makakatuluyan mo." Seryosong sabi ng manghuhula.
"Makakasalubong mo sya sa hindi inaasahang panahon." Dagdag pa nito.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.
Gusto Kong tumawa na Ewan.
Ang lakas maka teens ni nanay.
Matangkad, Gwapo at Mayaman,? Eh sa mga romance novel o kaya pelikula lang meron nun eh. Ang hirap kayang mag pigil ng tawa.

"Alam ko natatawa ka." Napahinto ako sa sinabi ng manghuhula, paano nya nalaman, samantalang ni Hindi man lang ako ngumiti para Hindi ako tuluyang matawa, ganoon ba ako kahalata?
"Sa susunod na pag punta mo rito mag dala ka ng limang picture ng iba't-ibang lalaki na sa tingin mo tugma sa mga sinabi ko, maniwala ka, mapipili at mapipili mo sya." Dugtong pa nito.
"Ganun po ba? Sige po salamat po." Ang tanging nasabi ko, wala kasi talaga akong masabi.

Tumayo na ako at nag paalam na sa matanda.
"Maniwala ka lang sa mga sinabi ko."
Pahabol pa ni nanay bago ako tuluyang makaalis sa pwesto nya.

Nakasakay naman ako agad ng jeep, habang umaandar ang sinasakyang jeep Hindi ko maiwasang pag masdan si nanay na nanghula sa akin.
"Ok naman sya, mukha namang Matino." 
Sa katunayan nga mayroon na syang bagong customer.

Actually na-curious ako sa mga narinig ko, ang daming what if's na pumapasok sa isip ko pero natatawa talaga ako Promise.
Pero Hindi ko rin mapigilan na umasa, ayokong maniwala pero pinangarap ko talaga na makapangasawa ng mayaman kahit Hindi na gwapo.
Ang gulo ko noh?

"Uy Kris! , kauuwi mo lang?" Tanong ni badong.
"Oo, linggo eh, alam mo na." Sagot ko sa kanya at ipinakita ang dala kong sampaguita.
"Eh ikaw, San ang lakad? Mukhang suot mo yang pang diinan mo ahh."tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.
" Si Badong talaga, tsk tsk, walang kadala kadala, mukhang makikipag meet nanaman ito sa mga babaeng nakikila nito as Facebook." Sa  isip-isip ko.
"Ah oo, makikipag kita ako Kay Myla, kaibigan ko sa Facebook." Nakangiting sagot nito sa akin.
O' diba tama ako?
"Sige, goodluck sa atin, sana this time mapasagot mo na yang KAIBIGAN mo na si MYLA." Biro ko sa kanya na diniinan talaga ang salitang "kaibigan at Myla".
"Sige kris una na ako." Paalam nito.
"Naku wag! Bata ka pa." Natatawang Biro ko rito.
"Sira! , loko ka pa rin talaga eh noh?"
Natawa na rin ito.
"O' sige lakad na, baka mauna pa sa inyo yung kameet mo, nakakahiya!" Pagtataboy ko Kay Badong
"Ingat ka pati yung cellphone." Pahabol Kong sabi bago ako tuluyang lumakad direksyon pauwi sa amin.
Narinig ko itong tumawa.

One time kasi nakipag meet ito sa isang kaibigan kuno sa Facebook, hiniram daw saglit yung cellphone nya at may ittxt lang daw tapos nag sabi na susunduin yung tinext dadalhin daw yung phone nya para madaling mag kita sa mall din daw na iyon, ayun! Namuti  na ang mata nya sa kakaantay Hindi na dumating yung babaeng may dala ng cellphone nya.

My Mr. Right ( By Fortune Teller )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon