One Shot - Monologue

8.8K 305 54
                                    

MONOLOGUE

Posible ba sa isang relasyon na bigla na lang mawala yung "kayo"?

Yun bang sa tatlong taong relasyon niyo, isang araw biglang pareho na lang kayong pagod? Pagod sa paulit ulit na away? Sa halos pare-parehong dahilan?

Yun bang okay na di kayo magusap ng ilang oras?

Hanggang ung oras maging araw?

Yung araw maging linggo?

Hanggang sa wala na kayong pansinan?

Na ang nakakapagtaka, okay ka lang. Okay lang kasi pagod ka na. Okay lang na wala na siya.

Na akala mo lang yun talaga.

Kasi kapag natatahimik ka. Kapag nagiisip isip ka, matatanong mo na lang sa sarili mo, "nasan na kaya siya?"

Pero palilipasin mo lang, hindi ka na gagawa ng paraan para hanapin siya. Pero nakakatawa kasi parang mananadya pa ang tadhana, makikita mo siya bigla.

Ayun.

Masaya.

May kasama ng iba.

Pinapanuod mo sila, masasagot yung mga tanong mo. Kaya pala hindi ka niya hinahanap, kaya pala okay lang na wala ka. Kaya pala hindi ka na kinausap.

Pero ang masaklap, lalo magbubukas ng marami pang tanong.

Kelan pa kaya sila naguusap? Ano bang mali sa akin at iniwan na lang ako ng biglaan? Anong meron 'siya' na wala ako? Bakit nagawa niya sa akin to?

Bakit akala ko okay lang na wala siya?

Pero bakit ang sakit?

Hindi naman ako dapat masaktan pa eh. Hindi naman ako dapat nagkakaganito. Nasanay na kong wala siya, dapat kaya ko na.

Pero ang sakit pala talaga.

Alam ko kasi mahal ko pa siya. Na kahit nawala na yung "kami" mahal ko pa rin siya.

Tanga ko lang kasi wala akong ginawa, tanga ko kasi di ko man lang nahalata kung bakit kami nag-iba. Tanga ko kasi hinayaan kong umabot sa ganito.

Tanga ko kasi.

Tanga tanga ko.

***

"Nagmomonologue ka na naman dyan."

Di ko pinansin kung sino man yun, tinatanga ko pa sarili ko wag siyang istorbo.

"Alam mo, wala kang mapapala kung sarili mo lang kakausapin mo. Ilang buwan ka ng mukhang siraulo kakaisip sa problemang madaling solusyonan." Dun lang ako napatingin sa kanya.

Ka-barkada ko pala.

"Ano?" Takang tanong ko.

"Palitan mo siya, ako na lang."

"Huy Sef, wag kang joketime." Sabi ko na lang dahil ang totoo nagulat ako.

"Seryoso ako Sara, ako na lang." Kinuha niya yung kamay ko, tinignan niya yun at nilagyan ng panyo.

"Kapag natutulala ka dahil sa kakaisip sa kanya, naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa. Ang tagal Sara, ang tagal na kitang gustong damayan sa problema mo. Pero di ikaw yung tipo na humihingi ng tulong sa kahit kanino kaya pinabayaan ka namin."

"Sef.."

"Pero Sara tama na yan, siya lang ang nang-iwan, hindi kami. Hindi ako." Madiin niyang sabi.

"Alam mo, lakas loob na nga lang to eh. Tangina ngayon lang ako natorpe ng ganito, pano kasi alam ko mahal mo pa siya. Pero ako yung lagi mong kasama, ako yung panay nagjojoke sa barkada para tumawa-tawa ka naman. Ako yung ihahatid ka kasi gabing gabi na kahit ang layo rin ng bahay ko. Ako yung andito, Sara."

Naalala ko lahat ng mga sinabi ni Sef.

Minsan may makeup class kami ng 7PM-9PM pero hinintay niya ko madismiss para ihatid sa boarding house ko.

Madalas pag nagoovernight ang barkada o kaya may gala, siya yung patawa kaya ang ingay ingay namin.

Siya yung aabalahin ako sa pagaaral para lang ayain ako magfishball, kwek-kwek at kung ano ano pang streetfoods para naman daw mabawas stress ko.

Si Sef yung madalas magtanong kung kumaen na ba ko o uuwi na ba ko o san ako pupunta. Nung una akala ko concern lang siya. Yun pala may malisya.

"Sara naman! Wala ka na naman sa sarili! Ugh" Reklamo ni Sef at nagpabalik sa akin sa huwisyo, tinignan ko siya at napangiti na lang ako.

"Nagmomonologue ka na naman sa isip mo noh?" Inirapan niya ko pero natawa lang ako lalo.

"Ewan ko sayo Sara, sana sa susunod tungkol na sa akin yang monologue mo." Parang batang request niya.

"Tungkol na nga sayo."

"Talaga?!" Niyugyog niya ko at tuwang tuwa pa siya.

"Oo nga."

Siguro nga tanga ako na hinayaan kong mawala yung sa amin nung una kong minahal, pero siguro tanga rin ako kung hindi ko maaappreciate 'tong si Sef.

Siguro baka kaya ako iniwan dahil may dadating na ibang para sa akin.

Siguro baka kaya ako binalewala at hindi na hinanap dahil may iba pa kong makikita.

Siguro si Sef na yun.

Sana siya na.

"Sara!! Ako na ba iniisip mo? Kung hindi, di kita titigilan hanggang ako na lang lagi nasa isip mo hanggang mapunta na ko sa puso mo."

****

Sabaw oneshot!!! HAHAHAHA. Napakarandom lang nito. Supposedly, sa tumblr ko ipopost to. #readables ba. Pero hanggang dun lang sa part na may monologue talaga, kaso sabi yung word count, 290 lang! Jusko eh ang iksi. Tapos naisip ko rin ang tagal ko ng walang oneshot. Ewan ko bigla kong nagkakaurge magsulat recently. So eto nga. Random lang, try lang. Kaya yung huling part na may convo na si Sef at Sara, sorry sobrang sabaw. Ugh siguro nga may pagka-Sara ako, madalas din kasi ako magmonologue sa utak ko. Feeling artista ba. HAHAHAHA!

Well sana may magbasa at magcomment pa rin. Maappreciate ko sobra, nakakamiss din kayo kakulitan sa mga comments eh :))) Thank you sa mga magbabasa! :)

One Shot - MonologueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon