Mahal kita dahil totoo ka
Mahal kita dahil mahal kita
Pero ang tanging tanong sa isip ko
Na "mahal ka ba niya?"Hindi ka madaling ayawan
Dahil mabilis kitang nagustohan
Mahal kita kasi, ewan?
Dahil siguro ikaw iyanAkala ko noon kaya naging close tayo
Kasi akala ko ako ang gusto mo
Masakit isipin na minahal ko ang isang tao
Isang tao na hindi deserved ang nararamdaman koNoon pa lang inamin ko na
Na may lihim ako say'ong pagsinta
Akala ko ganoon ka rin sa akin
At nalaman kong hindi pala"Mahal kita" sambit ko sayo
"Mahal ko s'ya" yun ang sagot mo
Hirap tanggapin na nasa iba ang atensyon mo
Habang ako nababaliw kaiisip sayoSa kasamaang palad nalaman ko
Na ang kaibigan ko ang hangad mo
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa
Ng marinig ko ito mula sa bibig moPinilit kitang layuan
Pero hindi ko parin matakpan
Ang sakit na nararamdaman
Sa t'wing kasama mo ang aking kaibigan"Mahal kita" yun ang sambit mo
"Ngunit hanggang kaibigan lang ang kaya ko"
Labis na pagkatuwa na malaman kong mahal mo ako
Ngunit sa kabilang banda kaibigan lang pala kung maituring mo ako