EDSA kwento ng Pag-ibig

38 3 2
                                    

Madaling araw pa nang mag asikaso si Jake, kinakabahan dahil sa wakas ay may ipon na siya papaluwas ng Maynila upang makita ang kanyang kasintahan.

Nagbihis ng kanyang pinaka magandang damit. Puti ito na may disenyong letra na pinarisan ng puting sapatos na kanyang kiniskis ng sabon at zonrox. Bahagya din siyang nag spray ng kayang paboritong pabango. Dala dala niya ang isang malaking bag na may lamang reserbang damit at mga mumurahing tsokalate na binalutan ng magagandang palamuti.

Maluwag pa at wala pang masyadong tao nang makarating siya sa istasyon ng bus.

"Kuya dito po ba papuntang Maynila?" tanong niya sa Konduktor nito. Oo marahil nababasa niya ang karatula na nasa harap nang bus pero hindi siya pamilyar sa lugar na iyon. "Cubao?" basa niya dito. Sinagot naman siya nang konduktor ng bus na "Oo", sa loob ay malamig dahil na rin sa may aircon ang bus na nasakyan nito.

pagkaupo ay agad niyang kinuha ang cellphone na luma at basag ang salamin, "Goodmorning po, may surprise ako sayo Melobs. I luv u :)" ang text niya sa kanyang kasintahan na si Kyla. Pasikat na ang araw nang umalis ang bus at sa haba din ng biyahe ay nakatulog si Jake.

" Ohhh!.... Edsa balintawak balintawak!" nagising si Jake sa lakas ng tawag konduktor, sa gulat ay agad siyang napatayo at dali dali napababa ng bus, sa tulay nang balintawak ay agad siyang natauhan kung bakit siya bumaba.

'Lintik na. saan na ba ako?!' Tanong niya sa kanyang sarili. Unti unti ay napansin niya rin na hindi niya dala ang kanyang bag sa kanyang pagbaba. Nanglaki ang ulo niya na para bang nakakita ng multo. Mangiyak ngiyak siya nang abutin niya ang kanyang cellphone para humingi nang tulong kay Kyla ngunit sa kalagitnaan nito ay naiisip niya na baka mawalan ng bisa ang kayang supresa para sa dalaga.

'Hindi.! Kaya ko ito, kailangan masupresa ko siya, saka pag nalaman niya na ganito ang nangyari sakin baka mapahiya pa ko.'

Sa palengke ng balintawak ay naglakad lakad muna si Jake. Ang mga tao doon ay maraming ginagawa, bagsak ng mga gulay buhat dito buhat doon. Lahat ay para bang abala para matanungan niya. Isa pa ay nahihiya din siyang magtanong tanong sa mga tao na kahit alam niya ang mga pangalan ng street at mga sasakyan papunta sa bahay ng kanyang kasintahan. Hindi rin naman talaga pamilyar sa kanya ang itsura ng mga lugar. sa ilalim ng hagdanan ng LRT ay may matandang lalaki na nagbabasa ng dyaryo, lumapit siya at tinanong niya ito.

"Ah.. Kuya pwede po mag tanong?"

Binaba ng matanda ang kayang dyaryo para makita ang mukha ni Jake. "Ano yon?" nanglilisik ang mga mata nito na para bang galit o para bang bagong gising lang.

"Saan po ba ako pwede sumakay papuntang Bac.." hindi pa man tapos ang kayang tanong ay sumagot na agad ito.

"Sa taas sumakay ka ng tren." Ang sabi ng matanda sabay balik sa kayang dyaryo.

"OK po..." Tungon naman ni Jake na tipong nawiwirduhan sa kayang pagtatanong at hindi niya na rin napansin na baliktad ang dyaryo na binabasa ng matanda.

Sa taas ng istasyon ay sinunod niya ang payo ng matanda. Bumili ng ticket at sumakay nang tren. Umandar ang tren at huminto na rin sa kabilang istasyon.

'Ha?.' Laking pagtataka ni Jake dahil lahat ng pasahero ay bumababa, hindi siya bumaba dahil sigurado siya na hindi iyon ang istasyon kung saan siya bababa. Hindi siya umimik at umupo na lang ng tahimik ng hawakan siya nang guard sa kanyang balikat.

"Sir hanggang dito na lang po tayo." Sabi sa kanya ng Guard.

"Ha pero kakasakay ko lang po" Sabi ni jake sa Guard.

"Ay Ser last Station na po ito Roosevelt Munoz po ito. San po ba kayo pupunta?" ang tanong ng guard sa kanya.

"Kuya sa Baclaran po." Sagot niya dito.

EDSA kwento ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon