Kabanata 13

9.5K 286 86
                                    

I decided to get myself drunk so I can forget my problems but damn! I remembered it all!

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng bahay nila Tita ay naiyak na naman ako. Kaya nanatili kami sa sasakyan kasama ko si Sydney at Damien.

"Ang sarap magmahal pero ang sakit kapag niloko ka. Alam mo iyon? Wala kang gana sa lahat! Ayaw kumain, o gumala, at ang tanging gusto mo lang ay siya. Ilang araw na akong nakahiga sa kama para magpahinga. Pero kahit anong pagpapahinga ang gawin ko, pagod na pagod pa rin ako!"

Tahimik ang magkapatid habang nakatingin sa akin. I saw Sydney tears fall. Damien was gritting his teeth while listening to my drama.

"Akala ko biro lang iyong sinasabi nila na mas pipillin na lang nila ang matulog para hindi maramdaman iyong sakit. Dahil sa ginawa niya, pakiramdam ko, mawawala lang iyong sakit kapag namatay na ako eh! Dahil kahit anong tulog ang gawin mo para matakasan ang sakit, paggising mo nandoon pa rin ito."

Lagi na lang ako gumigising sa umaga na sobrang bigat ng dibdib. Parang sinasaksak paulit-ulit ng kutsilyo. You will think you're having a heart attack because of the physical pain you'd feel.

"Pagod na ako," humagulhol ako.

Niyakap ako ni Sydney na kagaya ko ay humagulhol na rin ng iyak.

"I am tired of thinking where I went wrong. What I need to do to be enough. Why am I not enough? At bakit sasabihin nilang mahal ka nila ngayon, pero kinabukasan ay hindi na?"

Ang hirap din magsimula! Ang hirap magsimula ng wala siya. Ang hirap magsimula ng mag-isa. Ang hirap magsimula ng walang-wala.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako pero mahal na mahal ko pa rin siya.

"Mas lalo ka mahihirapan kung lagi mong iisipin kung bakit ka niloko. Stop thinking about it, Riella. He cheated on you, you didn't cheat. Doon pa lang, panalo ka na," sabi ni Damien.

"Ang sakit na ibinibigay niya sa iyo ngayon ay hindi permanente. You will heal eventually. Hindi man ngayon, pero sa tamang panahon. Ang pagmo-move on ay hindi paglimot. Kung hindi pag-usad sa buhay. Kaya piliin mo lagi ang magpatuloy," sabi ni Sydney habang humihikbi. "So, please don't let yourself be a prisoner to a crime you never committed."

"Ano nangyayari?"

Lumabas ng bahay si Papa. Nakabukas ang pinto ng sasakyan kaya kita niya agad kami.

"Riella?"

"Papa!" tawag ko.

Lumapit siya sa akin. Sa kabila ng nanlalabong mata dahil sa luha, kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"I'm sorry, Riella," sabi niya at niyakap ako. "Huwag ka na umuwi sa Pinas. Dito ka na tumira. The bastard has the guts to call me."

"He called, Papa?" sabi ko at humiwalay sa kanya. "What did he say? Did he ask for me? Can I talk to him?"

"I didn't answer his calls, Riella. At hindi mo na siya kailangan makausap pa," mariin niyang sinabi.

"Answer his call and ask him, Papa. Ask him why he cheated on me. Kung ano ang mali sa akin? Bakit hindi na lang niya ako iniwan kung nagsasawa na pala siya sa akin? Pwede naman siyang umalis ng hindi ako dinudurog eh," sabi ko at humikbi.

"Walang mali sa iyo," hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. "Nandito naman si Papa. Hinding-hindi kita sasaktan at iiwan."

Kabaliwan nga siguro kung maituturi. Dahil patuloy nating pinipili ang mga taong minsang gumuhit ng ngiti sa ating mga labi pero ang lokohin ka pa rin ang sa huli'y pinili. We are really crazy. Maybe we are just crazy because we were just in love.

Shades Of Destruction (Levrés Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon