Confession

24 2 0
                                    


Written by: Y. Fabro

2017 All Rights Reserved.





Her POV (Kyline's POV)

April 2011

Hey Oppa!

Matagal-tagal na rin nung huli tayong nag-usap no? Naalala mo pa kailan yung huling convo natin personal? Kasi ako, oo. That was January 19. Haha, shocked ka kung bakit tandang-tanda ko pa siguro 'no? Malamang kasi, ikaw hindi na.
Tsaka wala naman akong pake, sanay naman na ako na wala tayong pansinan. Well, nagpapansinan naman tayo eh. Kaso nga lang, hindi gaya nung mga normal conversation ba? Yung nagkwekwentuhan kayo ng mga bagay bagay. Naghihintay lang naman ako na ikaw ang magi-initiate ng convo. Pero sino nga ba ako para pansinin at bigyan mo ng priority diba? Isa lang naman akong hamak na transferee student na bago niyo palang nakilala.

Naalala ko pa 'non, ikaw yung taong pinaka-unang nag welcome sa 'kin sa school. Ikaw pa nga yung pinaka-unang nakahawak sa kamay ko e. Hahaha I wasn't supposed to remember that, pero I don't know basta naaalala ko na lang.

It was raining that time, and I heard you, laughing with the other boys, when Mrs. Emma came, she said that I was a new student and that to be good and nice to me. Mahiyain ako, hindi ako nakikipag-usap kung hindi ko ka-close. But, when you offered your hand for a welcoming hand shake, you were smiling at me widely, so who am I to decline right? And besides, I was just a mere transferee.

The days went by so fast, I didn't notice it was already April. Jin, let me tell you something, I fell for you, wanna know why? Because of your stares. I fell for your stares. One time nga na compile lahat ng time na nahuli kitang nakatingin sa akin sa isipan ko. It was like a slide show. Then I asked myself na baka may gusto ka sa akin? Like, hello? Hindi naman siguro normal na palagi kang nakatingin sa isang tao ano? Araw-araw pa, walang palya! Well, except for weekends of course.

That's why I told a friend, a close one, about this. Ang resulta? Mga asar lang naman! Asar dito, asar doon. She was teasing me about you. She even said that you're not that type of a person daw, ang kilala niya na ikaw ay hindi nagpapakita ng motibo. Hindi ganyan kumilos. To be honest Jin, hindi pa kita gusto at that time, kasi loyal na loyal pa ako dun sa ex-crush ko hahaha.

Or so I thought .....

May time din na tinawag mo akong "Noona Ver. 2.1" inaasar mo ako kasi nag-lipstick ako 'non. I even heard you asking kung para kanino ba yung pagpapaganda ko, and your bestfriend answered mockingly, "Baka para sa'yo."

Hindi kasi ako yung tipo ng babae na mahilig mag-ayos. Hindi nga ako marunong mag-pulbos e. Baka kaya siguro natanong mo kasi yung mga babae nating kaklase laging naco-concious sa mga itsura nila. Ako? Bahala na. Total, wala namang silbi kung magpapaganda ako e and to answer your question? Wala naman talaga akong pinapagandahan, I was just wearing lipstick that time kasi ang pale ng lips ko.

Meron pa nga akong so called "mission" nun. Kasi nga, mukhang nagpapapansin ka. Heps heps, yung kaibigan ko nag-sabi niyan hindi ako. Paano ba naman, e nung Research subject natin, ginagaya ko si Mrs. Grace kasi nga masyadong perfectionist ang daming ka ek-ekang nalalaman, dapat daw ganito, ganun, hay nako! Pero siyempre mahina boses ko nun, baka marinig ako ni Miss mahirap na!

But despite all of that, narinig mo parin ako kahit ang hina-hina ng boses ko. Akalain mo yun? Yung mga kaibigan ko nga, minsan hindi ako nariring kasi nga daw ang hina-hina ng boses ko, tabi na kami niyan ha? Tapos ikaw ang lakas ng pandinig. To think na malayo ng unti yung seat mo sa seat ko. San ka pa? Maybe 5 chairs away tayo? And nasa harapan ka pa!

Tapos lagi ka pang tumitingin sa akin. Hindi ko na nga lang pinapansin pero yung iba nating kaklase, todo asar sa akin kasi nga daw may gusto ka raw sa akin. So, imbes na pinipilit kong wag nalang pansinin, oo pinipilit, kasi mismo ako hindi maiwasang hindi pansinin huhu pati kasi si peripheral vision ko hindi kampi sa akin. Ang unfair lang!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey, Oppa! (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon