Start

14 0 0
                                        

I've been in a relationship with a lesbian for 5 years. Until I met this PSYCHOLOGY STUDENT na nagpabago ng lahat.

Baka pinagtagpo lang tayo, pero di itinadhanaip.

Mga salitang mahirap tanggapin kung minsan, pero dapat...

-----------------------------------------------------------------

February 8, 2017

Nagaway nanaman kami ni Joyce. Ano pa bang bago? Kelangan nyang kunin yung result nya sa Ospital, ayaw ako pasamahin. Magkaaway kami. Tinext ko yung katrabaho ko, nagayang magshot.

Cha? Nasaan ka? Nagaway kami ni Joyce.

Cha calling..

"Hello, Cha?"

"Hello? Asaan ka? Punta ka ng SM. Sunduin kita dun."

"Sige."

Agad akong nagbihis at ang dala ko lang ay isang maliit na sling bag.

Sm na ako, Cha. Saan ka na?

Cha? Saan ka na?

Cha calling..

"Sa KFC na tayo magkita. Papark ko lang 'tong motor."

Ilang minuto lang ako naghintay sa kanya. Nakita ko din syang naglalakad.

"Ano nangyari? Saan tayo? Shot gusto mo?"

"Lasing ka na eh. Wag na kaya?"

"Kumaen ka na?"

"Hindi pa. Simula kaninang umaga."

"Kaen muna tayo. Tara."

"Wala ako pera. Ikaw na lang."

"Wag ka na ngang pabebe. Tara saan mo gusto? O gusto mo sa bahay na lang tayo?"

"Sige."

Nagpunta kami sa parking lot kung saan naka-park yung e-bike na dala nya. Nakainom na sya, halata naman. Pero pinilit nya akong puntahan. Napagkamalan pa nga kaming magsyota eh. Haha Sa awa ng dios, kahit lasing sya. Nakauwi kami sa kanila ng maayos.

"Ay, nakalimutan natin bumili ng food mo. Ikaw kasi eh."-Cha

"Okay lang ako. Wala akong gana kumaen." Oo gutom ako that time, pero wala ako gana. Nakakastress na kasi nangyayari sa amin ni Joyce.

Bumili sya ng Mucho at mga pulutan. Nagkulong kami sa kwarto nila ng Ate nya. Walang malisya. Kaibigan ko eh. Yun ang akala ko. Dun pala magbabago lahat.

Nagstart na kami uminom. Tinanong nya ako, ano daw ba nangyari. Ikinwento ko lahat. Hanggang sa umiyak ako at nagulat na lang ako nung niyakap at hiniga nya ako. Lasing ako, pero nung naramdaman ko katawan nya. Nawala pagkalasing ko.

Magkatrabaho kami. Parehas Call Center Agents sa iisang company. Di naman kami talaga close, lately lang. Never ako naattract sa ibang girls except kay Anna Kendric. Pero iba eh. Madalas kami magkachat sa work. Pinaguusapan yung mga buhay buhay. Yung minsang inom na yun nasundan na ng nasundan...

Loving a Psychology StudentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon