me.

257 28 18
                                    

JOY

Umiiyak ako habang nakatingin sa bintana.

Kasama ko sya dati manood ng mga bituin na kumikislap.

Pero ano ako ngayon? Magisa. Malungkot. Walang buhay.

Miss na miss ko na sya. Naaaalala ko pa noon, Tuwing dadalaw ako sa kanila. Masaya lang kami na ginagawa ang gusto naming gawin.

Yerim!” Tawag ko sa kanya habang may icing sa kamay ko. Humarap naman sya at nilagyan ko ang ilong nya ng icing habang tumatawa.

Halatang nagulat sya but still, She looks so damn attractive. “Yah!” Sigaw nya sa akin.

Nyahahaha.” Tumatawa ako ngunit natigilan ako ng lagyan nya ng icing ang noo ko kaya naman napatingin ako sa kanya na mapangasar na tumatawa.

Naisahan ako! “Gantihan lang.”

Kumuha ulit ako ng icing habang sya naman ay tumakbo.

Naghabulan kami sa kusina nila habang tumatawa na parang mga bata.

Miss na miss ko na syang asarin. Miss ko na yung mga sagutan namin na bandang huli, Magtatawanan lang kami.

Yerim.” Tawag ko sa kanya habang nanonood kami ng palabas. Nakasandal sya sa balikat ko habang nakaupo kami sa couch.

“Hmm?” Sabi naman nya.

“Ang panget mo.” Syempre, Hindi totoo yun. Ang ganda ganda nya. She’s so precious.

Nagangat naman sya ng tingin sa akin, Masama ang tingin nya kaya napatawa ako. “Mas panget ka.”

“No, Mas panget ka.”

Paliparan yang noo mo.” Ganti naman nya sa akin.

“Ang panget ng gilagid mo.”

Mukha kang kalbo.”

Letters | joyriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon