"Ma, ang ganda ganda po talaga dito! Ang daming shells lalo! Gusto ko dito po ulit tayo sa birthday ko ha!" Sabi ko habang nilalagay yung mga nakolekta kong shells galing sa basket.
"Sige ba. Pero hindi lang naman dito ang beach, anak. Marami pa!"
"Ayoko. Baka hindi po maganda." Sabi ko kay Mama. It's my 7th birthday that time at hiniling ko na sa beach na pinuntahan namin nung last birthday ko ulit kami pumunta. Alam ko na kasi na maganda dun, at sobrang natuwa ako na pagbalik ko, mas madaming shell akong nakuha.Mahilig kasi ako sa mga shells at magagandang view, lalo na ang sunset simula nung bata pa ako. Gusto ko rin ang tubig at magaling akong maglangoy.
"Nako Haze, may mas magagandang beach pa nga dito! May mga mas malawak din at mas madaming shells! Next time, sa ibang beach naman tayo pupunta." Sabi naman ni Papa kaya lalo tuloy akong naexcite sa mga next birthday ko nun.
"Talaga po?"
"Oo naman. Basta ba lagi kang magpapakabait at mag-aaral ng mabuti." Sagot ni Mama ng nakangiti.
"Opo. Magiging good girl po ako na masipag mag-aral palagi!"
"Happy Birthday, Hazel! Love na love na love ka namin ni Papa. Lagi mo yang tatandaan." Sabi ni Mama at niyakap ako.
"At love na love na love ko rin po kayong dalawa ni Papa." Sabi ko naman at hinalikan silang dalawa sa pisngi.
"Kukuha lang po ulit ako ng shells ha. Pagbalik ko gawa po tayo ng sandcastle!" Paalam ko sa kanila. I grew up close with my parents na ang sweet sa isa't isa. Lahat ng magustuhan ko ibinibigay nila sakin basta mabait at masipag ako. Pero syempre, kapag may mali akong ginawa, may responsobility din naman ako dun. I also admire their way of discipline sakin, kasi hindi sila gaya nung mga nakikita ko na sobrang pagbuhatan ng kamay yung mga bata. So minsan yung iba lalong nagmamatigas. Kaya naman mahal na mahal ko ang parents ko eh. Kaya lagi kong ginagawa ang best ko sa mga school activities at nagsisipag ako sa pag-aaral. Kaya lagi kong sinusunod yung mga payo nila. At kaya I never wished to have another mother or father. They are the best parents a child could ever wish for. Pagkakuha ko ng mas marami pang shells, we built a sandcastle and covered Papa in the sand.
"Gusto nyo na bang kumain?" Tanong sa amin ni Papa. Tinulungan sya ni Mama na tumayo mula sa sand na itinabon namin sa kanya at inakbayan si Mama.
"Sige. Halika muna Hazel, let's wash our hands." Pagtawag sa akin ni Mama at hinawakan ang kamay ko. Pumunta kami sa may restroom at naghugas ng kamay sa may lababo.
"Ay, anak, may ibibigay pala ako sayo." Sabi ni Mama.
"Ano po yun?" Tanong ko. She took something from the pocket of her robe and handed it to me habang nakangiti.
"Wow! Thank You po, Mama! Super ganda po nito!"
"Keep it, okay?"
"Syempre po! Thank You po talaga!" Of course, I would. Ano ba ang binigay sakin ni Mama? Well, shell lang naman. Pero for me, it was the best birthday gift. Sa times na nangolekta ako ng mga shell, halos pare-parehas lang ang itsura nila, and the shell that my mother gave me, it was the most beautiful shell among those that I have collected.
"No problem, bebegirl. Tara na at baka iniintay na tayo ni Papa mo." Pumunta naman na kami sa isang kubo sa may beach front. Nakita namin na naghain na si Papa.
"Kain na tayo. Masarap to!" Sabi ni Papa. No doubt na masarap, magaling naman talagang magluto si Papa. Nagpray muna kami bago kumain. Nakakatuwa sila ni Mama tuwing kumakain kami, lalagyan ni Papa ng food yung plate ni Mama, tapos minsan susubuan nya ng ulam. Ang cute nilang tingnan.
YOU ARE READING
The Seashell (One-Shot Story)
Teen Fiction"Ano ba yan? Napakapabaya mo! Sobrang importante nung bagay na yun sayo, Hazel. Tas mawawala mo?! Saan mo naman hahanapin yun ngayon? Hindi. Hindi ka pwedeng umuwi ng hindi mo yun nahahanap.." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Hazel sa sarili nya habang hi...